Chapter 22

922 51 26
                                    

MIRA'S POV

...ttwittwippang ttwittwippang oneulttara geoseullineyo

ttwittwippang ttwittwittwittwi ttwittwippang nunmuri nayo

ttwittwippang ttwittwippang meoggo jago tto dwicheogidaga

ttwittwippang ttwittwittwittwi ttwittwippang nunmuri nayo...

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng practice room habang walang tigil sa pagpalakpak nang matapos ang kanta. "At dahil dyan, pinagluto ko kayo ng lunch." sabi ko at itinaas ang dala kong paperbag na may lamang pagkain.

Napatingin naman ang BtoB sa direksyon ko at kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkasurpresa nang makita ako. Hindi kasi nila alam na pupunta ako ngayon eh. Bahagyang nakabukas ang pintuan kanina kaya nakasilip lang ako doon habang patagong pinapanood ang practice nila. At ngayong natapos na ay saka lang ako nagpakita.

"Mira!" agad silang nagtakbuhan papalapit sa akin para salubungin ako. Grabe naman ang mga to. Kung makapagreact parang ang tagal naming hindi nagkita-kita eh.

"Yah! Yah! Wag nga kayong ganyan! Baka masaktan ang GIRLFRIEND KO!" saway sa kanila ni Minhyuk na agad hinarangan ang mga boys at itinago ako sa likod nya. Bigla tuloy nag-init ang mukha ko. Parang ang sarap sa pakiramdam na may boyfriend na isang Lee Minhyuk. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Aish!" napakamot nalang ng ulo ang iba dahil sa ginawa ni Minhyuk. Halata sa mga mukha nila ang pagkainis.

"Pero sabi nya may dala syang lunch!" reklamo ni Changsub at pilit na pinapaalis si Minhyuk.

"Hindi para sayo yun no! Para sakin yun kasi ako ang BOYFRIEND NYA!" sagot ni Minhyuk. Natatawa ako na kinikilig na nabibigla sa kanya eh. Ganito ba sya maging boyfriend?

"Yah! Kaibigan din naman namin sya ah. Kaya siguradong may share din kami dun sa lunch na inihanda nya." sabi naman ni Eunkwang. Sumang-ayon naman ang iba at napuno ng 'Oo nga' ang practice room.

"Teka teka. Relax lang kayo, okay?" sumingit na ako sa usapan bago pa man sila magkagulo dahil lang sa lunch. Ch. Ang lakas talaga makachildish ng mga idols ko. "Lahat kayo meron. Kaya walang magtatampo, okay? Lahat kakain."

Nagpalakpakan naman sila dahil sa tuwa. Si Minhyuk naman ay sumimangot. Yung nguso nya aabot na sa Pilipinas. Grabe magpout eh.

Pinisil ko yung pisngi nya. "Oi! Wag ka na ngang mag-emote dyan. Syempre sayo yung pinaka-special dito no!"

Bigla nalang syang ngumiti. "Jinjja? Kung ganun, kumain na tayo." sabi nya at saka ako inakbayan.

Naupo kami sa sahig. Nakaform kami ng circle habang nag-aabang sila ng mga pagkain nila. Hindi ko alam kung excited ba sila o gutom lang talaga eh. Hindi ba sila pinapakain dito?

"Appa Eunkwang, ito ang para sayo. Peniel...Hyunsik...Changsub..." sabi ko habang isa-isang binibigyan ang mga boys. Napawow naman sila. "At ito naman ay para kay Minhyukie..."

"Gomawo Mira! Saranghae!" sabi ni Minhyuk na ikinainit ng mukha ko. Bakit kelangan nya pang sabihin yun sa harap ng mga boys? Nahiya tuloy ako.

Inirapan ng mga boys si Minhyuk. Yung dating kasi siguro sa kanila ay masyadong pinapamukha ni Minhyuk na may girlfriend sya tapos yung iba wala. Tapos imbes na manahimik nalang at kumain ay bigla nya pa akong inakbayan tapos ay binelatan ang mga taong kaharap namin. Pasaway na boyfriend!

May natitira pang tatlo sa mga pagkain. Isa para sa akin at yung dalawa ay para kina Ilhoon at Sungjae.

Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakita si Sungjae. Si Ilhoon naman ay napansin kong nandun lang sa may isang sulok habang hawak ang kanyang cellphone at titig na titig sya dun.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now