Chapter 20

931 50 14
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. EunKwang and ChangSub both graduated from Modern K Music Academy and have known each other the longest.

2. EunKwang is the best at playing billiards and pool in BtoB.

3. MinHyuk excelled in academics as well as sports during school.

4. ChangSub is good at skateboarding and playing the drums.

5. HyunSik went to school with EXO-K’s D.O. and they are still friends.

6. IlHoon reads a lot and he writes his own lyrics (which he thinks of at night and writes down in the morning).

7. SungJae auditioned for JYP and made it to the final round with B.A.P’s YoungJae.

CHAPTER 20

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Minhyuk. Imposible. Imposibleng mangyari ang lahat ng ito. Nananaginip lang ako. Ah hindi. Nagkamali lang ako ng dinig. Imposible ang lahat.

"M-Minhyuk..." tanging nasambit ko.

"Seryoso ako Mira. Hindi ako nagbibiro. Gusto kita."  seryoso nyang sabi. Kung ganun hindi ako nagkamali ng dinig. Totoong sinabi nya nga yun.

"P-Pero..." napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Huminga sya ng malalim. "Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang nararamdaman ko. Maaaring nung una palang kitang nakita. Masyado sigurong mabilis pero yun talaga ang nararamdaman ko eh. Parang sasabog na ang dibdib ko kapag itinago ko pa to. Hindi ko na kaya ang selos lalo na't alam kong wala naman akong karapatan. Pero sa totoo lang hindi lang kay Kikwang-sunbae ako nagseselos. Pati na rin sa BtoB."

Napaangat ako bigla ng tingin dahil sa sinabi nya. Nagseselos sya sa BtoB?

"Alam kong hindi tama pero yun talaga ang totoo eh. Yun ang dahilan kung bakit ako nagpatutor sayo. Sa totoo lang wala naman talaga akong interest na matuto ng english eh kasi may alam na rin naman ako dun. Pero yun lang ang nakikita kong paraan para makasama kita ng tayong dalawa lang."

Napanganga ako sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan to. Sa pangarap lang nangyayari ang mga ganito. Pero ngayon, nagcoconfess sa harapan ko si Minhyuk. Totoo ba lahat ng sinasabi nya?

"Alam kong nabigla kita. Hindi ko rin naman inaasahan na ngayon mangyayari to eh. Kung alam mo lang kung gaano kaganda ang iniisip kong proposal. Hindi ganito. Pero ganun talaga eh. Hindi ko na napigilan." sabi pa nya.

Napayuko nalang talaga ako. Hindi ko alam kung pano ako magrereact. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Humakbang sya para lalong mapalapit sa akin at hinawakan nya ang magkabila kong balikat. "Will you be my girlfriend, Mira?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nanatili akong nakayuko. Ayokong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakakabigla talaga ang lahat.

Lumipas ang ilang saglit. Nanatili lang kaming ganun--sya ay nakahawak sa balikat ko at ako naman ay nakayuko. Wala akong binitiwang salita para sagutin ang tanong nya.

Maya-maya ay binitiwan nya ako at nagpakawala sya ng isang malalim na buntong-hininga. "Okay lang. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko."

Tinalikuran nya ako. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at pinanood lang syang maglakad papalabas ng silid na kinaroroonan namin. Narinig ko pa ang tunog nang tapakan nya ang mga basag na salamin sa sahig. Wala syang pakialam kahit na natatapakan nya ang mga ito. Wala syang pakialam kung bumaon man ang mga iyon sa sapatos nyang suot at masugatan ang mga paa nya.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon