Chapter 14

994 54 21
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Eunkwang has a younger brother.

2. Minhyuk has an older brother.

3. Changsub has an older brother.

4. Hyunsik has one older brother.

5. Peniel has an older sister named Jennifer Shin. She is 6 years older than him.

6. Ilhoon has an older sister. (JOO, solo singer under JYP)

7. Sungjae has an older sister.

*****

Author's Note:

Annyeong! Hindi ko kayo nabigyan ng WARNING nung last chapter tungkol sa mangyayari sa chapter na to. Kaya ngayon ay gusto ko muna kayong paalalahanan na ihanda nyo muna ang mga sarili nyo bago kayo magpatuloy sa pagbabasa nito. Hinga muna ng malalim ah. Inom na rin ng tubig at pangpakalma. Keke. OA ba masyado? Basta ganun talaga. Tapos kung handa na kayo, I'll shut now. You may now proceed... ^~^V

CHAPTER 14

Nagpaalam na ang 4Minute dahil may gagawin pa daw sila. Isa pa lunch time na rin naman eh.

Narito lang ako sa isang tabi at pinapanood ang BtoB na nagpapractice ng sayaw nila. Last na daw to tapos ay maglulunch break na sila.

Kahit na pinipilit kong ituon ang tingin ko sa nagpapractice na BtoB, hindi ko pa rin maiwasang makita sa sulok ng mga mata ko sina Sungjae at Sohyun na nag-uusap sa isang tabi. Nagpaiwan muna kasi si Sohyun at susunod nalang daw sya sa 4Minute. Si Sungjae naman ay hindi muna nagpapractice dahil baka daw kasi lumala lang yung sama ng pakiramdam nya kapag hindi sya nagpahinga. Kaya ayun silang dalawa. Hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila kasi nasa kabilang dulo sila ng kwarto at nakaharang sa pagitan namin ang BtoB at idagdag pa ang malakas na music.

Nang matapos ang isang kanta ay nagpahinga na ang BtoB. May naupo sa sahig, may uminom ng tubig at may nagpupunas ng pawis.

"Anong masasabi mo Mira?" Nakita ko si Minhyuk habang papalapit sa akin na nagpupunas ng pawisan nyang mukha.

"H-Huh? U-Uh maganda. Pero sa tingin ko magiging perfect na talaga kapag kumpleto na kayong nagperform." sagot ko na hindi gaanong prepared. Tumango-tango naman sya.

"Guys! Sino bibili ng lunch?" narinig ko  si Eunkwang. Agad namang tumalikod ang iba.

"Pagod ako. Kayo nalang." sabi ni Ilhoon.

"Ako din. Inaantok na nga ako eh." si Changsub na humiga sa sahig.

"Lagi ka namang inaantok eh." -- Eunkwang. "Peniel! Ikaw nalang."

"Shiruh! Si Hyunsik nalang." pagtanggi nya.

"Ayoko nga. Si Minhyuk nalang." -- Hyunsik.

"Luh! Bakit ako? Eh pagod din ako eh. Magpadeliver nalang tayo sa McDonald's." -- Minhyuk

"Nagsasawa na ako. Three days na tayong puro McDonald's ang kinakain. Gusto ko naman ng bago." -- Eunkwang

"Edi ikaw bumili." -- Minhyuk. Inirapan sya ni Eunkwang. "Yah! Sungjae! Ikaw nalang."

Napalingon naman sina Sungjae at Sohyun sa kanya. Mukhang wala silang alam sa nangyayari dahil abala sila sa pag-uusap.

"Hay naku. Iistorbohin nyo pa yang dalawang yan." naiiling na sabi ni Peniel. Lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Parang pasan ko ang mundo dahil sa nakikita ko. Alam ko namang hindi sila ni Sohyun eh pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?

"Ako nalang ang bibili." Napatingin sa akin ang lahat nang bigla akong magsalita.

"Huh? Sigurado ka?" -- Eunkwang

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now