Chapter 30

758 42 10
                                    

Ilang segundo ang lumipas bago ako natauhan sa nangyari. Kaya naman agad kong tinulak si Sungjae dahilan para magkahiwalay ang mga labi namin. Gulat na gulat ako dahil sa ginawa nya. Ni hindi ko magawang kumurap. Halos mabingi na rin ako dahil sa malakas na tibok ng puso ko. Hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil sa nangyari.

"W-Wae--"

"Uy Mira, nandito ka pala!"

Hindi na ako nakapagsalita nang biglang bumukas ang pinto ng practice room at isa-isang pumasok ang BtoB. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Buti hindi nila kami nakitang ganun ni Sungjae. Naabutan nila kaming magkaharap nalang ngayon.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil sa nangyari. Bakit ba kasi ako hinalikan ni Sungjae? Kung kasama yun sa scene, sana man lang ay sinabi nya muna sakin para hindi ako nabibigla ng ganito.

Lumapit si Minhyuk sakin. "Pupunta ka pala dito. Sana sinabi mo para sinundo nalang kita."

Hindi ko nagawang sagutin si Minhyuk. Parang ang hirap kumilos pag ganito ang sitwasyon.

"Teka," Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa amin ni Sungjae na magkaharap pa rin ngayon pero hindi makatingin sa isa't isa. "May nangyari ba dito? Ba't parang ang tahimik nyo?"

"WALA!!!" sabay naming sigaw ni Sungjae. Ang OA siguro ng reaksyon namin kaya lahat ay napatingin sa amin.

Nabigla rin si Minhyuk. "U-Uh o-okay."

Gusto kong sampalin ang sarili ko. Hindi ako dapat na umakto ng ganito lalo na sa harap ng boyfriend ko. Masasaktan sya pag nalaman nya ang nangyari. Ayokong mangyari yun.

"Umm, may dala nga pala akong mga pagkain. Pero sabi ni Sungjae kumain daw kayo sa labas eh." pag-iiba ko ng usapan.

"Edi round two! Kainan ulit!" masayang sabi ni Changsub.

Pinilit kong umakto na parang walang nangyari. Kinuha ko nalang ang mga pagkain kaya masayang pumalibot sakin ang BtoB.

"U-Umm, lalabas muna ako." paalam ni Sungjae at lumabas ng practice room. Hindi naman sya pinansin ng iba dahil excited sila sa pagkain. Dun lang ako nakahinga ng maluwag. Kahit papano ay hindi na awkward ang paligid dahil lumabas na si Sungjae.

Isa-isa ko silang binigyan ng pagkain. Mukha ngang hindi pa sila kumain sa labas eh. Magana kasi silang kumain.

"Wow Mira! This is really good. Sana araw-araw nalang ganito." sabi ni Peniel.

"Oo nga. Sayang wala si Hyunsik." sabi naman ni Eunkwang. Oo nga pala. Nasan na kaya sya? Nagkaayos na kaya sila nung ex girlfriend nya?

"Bakit nga pala biglang lumabas yung si Sungjae? Bahala sya kung maubusan natin sya. Mwahaha."

Halos mabilaukan naman ako dahil sa sinabi ni Changsub. Naalala ko na naman kasi si Sungjae eh. Pati na yung nangyari.

"Uh Mira, may ano ka sa lips..." sabi sakin ni Minhyuk na nakaturo sa may labi ko. Nataranta naman ako kaya agad kong tinakpan ang bibig ko.

"ANONG MERON SA LIPS KO? MAY MALI BA? MAY KAKAIBA BA? MAY NAPANSIN BA KAYO? SABIHIN NYO?" naghihisterikal kong tanong.

"U-Uh..." Mukhang natahimik silang lahat. Bakit ganyan ang mga itsura nila? Napansin ba nilang may kakaiba? Nagmark kaya yung kiss ni Sungjae?

Tinanggal ni Minhyuk yung kamay ko na nakatakip sa bibig ko. Tapos ay pinunasan nya ang gilid ng labi ko gamit ang panyo na hawak nya.

"Yan okay na. May sauce kasi eh." sabi nya. Kumalma naman ako at medyo napahiya. Ang OA ko siguro. Nakakainis.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now