Chapter 04

1.5K 69 11
                                    

CHAPTER 04

"Wala na sila."

Pagkasabi nun ni Sungjae ay agad akong dumistansya sa kanya. Mahirap na baka sabihin nya minamanyak ko na sya. Grabe ang pag-init ng pisngi ko. Sana lang ay wag na nya akong tingnan dahil sigurado akong namumula na ako ngayon. Ikaw ba naman ang makayakap si Sungjae.

Tumingin ako sa paligid. Wala na nga ang mga humahabol sa amin. Buti nalang at nakapagtago kami.

"Okay ka lang ba?" tanong nya sakin. Ibinaba na nya ang hood nya at tinanggal ang shades. Kaming dalawa nalang naman kasi eh. At ngayon ay nakikita ko na naman ang gwapo nyang mukha.

"Ayos lang ako Sungjae. Salamat ah." sagot ko na pilit iniiwas ang tingin at umaakto ng normal.

"Hindi ka dapat magpasalamat. Kasalanan ko nga yun kung tutuusin eh. Muntik ka pa tuloy mapahamak."

Pakiramdam ko lalo lang akong namula. Nag-aalala ba sya? "Okay lang yun. Wala rin namang may gusto ng nangyari eh."

Bigla syang nagpout. My gash! Ang sarap nyang kurutin. "Kahit na. Nagiguilty pa rin ako. Di bale babawi nalang ako sayo."

"Huh? Babawi?" Grabe talaga ang konsensya nitong si Sungjae. Wala naman syang kasalanan sakin ah.

"Dun ka na magdinner sa dorm."

*****

Sabay kaming pumasok ni Sungjae sa dorm nila. Gaya ng sabi nya, pumayag naman ako na dito na magdinner sa dorm nila. Sino ba naman ang makakatanggi nun? Imagine makakasama ko ang mga idols ko.

"Magkasama kayo?" gulat na tanong ni Minhyuk-oppa.

"Ay hindi hyung. Hindi kami magkasama." Aba pilosopo pa tong si Sungjae.

"Akala namin kung san ka na napadpad eh. Eh samantalang tapos na ang taping mo dun sa bago mong kdrama." sabi ni Ilhoon.

"Oo nga pala Sungjae. Congrat's ah." nakangiti kong sabi.

"Salamat." nakangiti nya ring sabi sakin. Tapos binalingan nya yung iba. "Dito magdidinner si Mira. Inimbitahan ko sya."

"Oo ba. Masaya yan." - Peniel.

Ngayon ko lang napansin si Changsub na natutulog sa sofa pero may katabing kape. Ibang klase talaga to si Chang Chang. Si Hyunshik naman parang malalim ang iniisip habang nakatanaw sa bintana.

"Anong ginagawa ni Hyunshik?" tanong ko.

"Ah. Nagcocompose sya ng kanta." sagot ni Minhyuk.

"Hyung! Anong inorder nyong pagkain?" tanong ni Sungjae kay Eunkwang.

"Wala pa nga eh. Hinihintay ka kasi namin." - Eunkwang.

"Tara umorder na tayo." - Sungjae.

"Magluto nalang kaya tayo?" suggest ko. Napatingin naman sila sakin.

"Magluto?"

"Oo. Hindi ba kayo nagluluto dito?" tanong ko.

"Minsan lang. Kadalasan kasi umuorder lang kami eh." sagot ni Eunkwang.

"Gusto ko yung suggestion ni Mira. Magluto nalang kaya tayo?"- Ilhoon.

Agad namang pumunta si Minhyuk sa ref. "Wala tayong lulutuin."

"Edi maggrocery tayo!" sabi ko. Bigla namang lumiwanag ang mga mukha nila.

*****

"Sigurado ba kayo dito?" tanong ni Changsub habang tinitingnan ang sarili nya sa salamin.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon