Chapter 16

1K 45 4
                                    

Author's Note:

Annyeong! So since hindi ako nakapag-update kaagad dahil sa bagyo at mahirap humagilap ng free wifi *lels*, two chapters ang update ko ngayon. Pwede na rin siguro yung pambawi no? Sa mga naghihintay, salamuch!

*****

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Eunkwang likes to play soccer.

2. Minhyuk's goal is for people to think of him first when they think of BtoB.

3. Changsub likes to threaten the maknae, Sungjae.

4. Other than a music major, Hyunsik also dreamt of being a dentist.

5. Peniel was a JYP trainee before he entered CUBE.

6. Ilhoon’s childhood dream was to become a soldier.

7. Sungjae’s dream was to become a ballad vocalist.

CHAPTER 16

"Ang laki na talaga ng improvement mo. Congratulations!" bati ko kay Minhyuk. Sa totoo lang ay masayang-masaya talaga ako para sa kanya. At isang achievement na rin para sa akin na makitang nag-iimprove na sya sa English tutorial namin.

Nandito kami ngayon ni Minhyuk sa pool area ng dorm nila. Dito na namin ginanap ang tutorial kesa naman sa kwarto nila. Dumiretso na kasi kami dito ni Sungjae matapos naming bumili ng flowers.

"Jinjja? Gomawo Mira-yah." nakayuko nyang sabi na tila nahiya sa pagpuri ko sa kanya.

"Naks. Namumula ka ba?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha para tingnan ang mukha nya. Napatawa nalang ako nang makumpirmang namumula nga si Minhyuk.

"Haha. Aigoo. Bakit ka namumula? Hindi ka pa ba nasasanay na pinupuri ng mga tao?" tanong ko na may halong panunukso.

"Yah! Stop teasing me!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Matapos maregister sa utak ko ang sinabi nya ay bigla akong napatakip ng bibig dahil sa pagpipigil ng saya. "Yah Minhyukie...marunong ka na talaga mag-english!"

Napayuko nalang sya at lalong namula. Ako naman ay napapalakpak pa dahil sa tuwa. "Isa pa nga. Magsalita ka pa."

"Shiruh!" tanggi nya at pilit na iniwas ang tingin sa akin.

"Sige na. Parinig ulet..."

"Aigoo."

"Jebal..."

"Aish jinjja! Wag ka ngang makulit."

"Parinig lang naman ng isa pa eh. Sige na...oppa." Hindi ko na maiwasan ang magpout. With matching puppy eyes pa.

"Mira! Nandito ka lang pala." Napatingin kaming dalawa ni Minhyuk kay Sungjae na bigla nalang sumulpot mula sa loob ng dorm nila.

"Annyeong hyung." Bati nya kay Minhyuk habang papalapit sa amin.

"Yah Maknae! Anong ginagawa mo dito?" medyo pasigaw na tanong ni Minhyuk. Hindi naman pasigaw na galit.

"Nakakaistorbo ba ako?" nakapout na tanong ni Sungjae. Ang cute nya talaga.

"Oo. May ginaga--OUCH!" Hindi na naituloy ni Minhyuk ang sasabihin nya nang bigla kong hinampas ang braso nya.

"Yah Minhyuk! Hindi mo dapat ginaganyan ang maknae!" sabi ko at binalingan si Sungjae. "Bakit mo nga pala ako hinahanap?"

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now