Chapter 19

1K 52 22
                                    

Author's Fangirling Note:

Ang kyot ng ating MC Sungjae sa A Song For You! Lalo na yung sinisinok sya. Kyaah. Gusto ko syang kurutin! Tapos tawa pa ako ng tawa sa acting nila ni Amber. Wahaha. Ang kuleeeet! Yun lang. Pagbigyan nyo na ako. Haha.

CHAPTER 19

Isa iyon sa pinakamagandang gabi sa buhay ko. Habang-buhay iyong mananatili sa alaala ko. Kailanman ay hindi ko makakalimutan yun.

Nakasuot ako ngayon ng simple pero cute na dress. Maayos rin ang sarili ko dahil naglagay ako ng konting make up. Medyo kinakabahan pa ako. Lalo na nung makita ko ang isang kotse paglabas ko ng apartment. Nakasandal sya sa kotse habang nakangiting sinalubong ako ng tingin. Hindi ko na itatangging napakagwapo nya sa suot nya ngayon.

"Annyeong Mira!" bati nya. "You look good."

Napangiti naman ako. "Gomawo Minhyuk-ssi."

"Oppa." pagtatama nya sa sinabi ko. Tumawa lang ako dahil sa reaksyon nya.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan. Napakagentleman nya talaga.

"Gomawo." sabi ko at saka naman sya sumakay at pinaandar ang kotse.

Papunta kami ngayon sa venue ng isang party dahil inimbitahan nila ako. Ito yung sinasabi sakin ni Minhyuk nung isang araw party dahil  birthday ng isang napakahalagang tao sa kanila which is yung manager nila. Ibig sabihin lahat ng Cube artists at buong staff and crews ay pupunta din ngayong gabi. Hindi na nga sana ako pupunta dahil nakakahiya pero nagpumilit ang BtoB. Pati na rin ang Beast, 4Minute at Apink ay pinilit akong pumunta. Pinagtulung-tulungan nila ako nung araw na yun kaya wala na rin naman akong nagawa.

Bumaba na kami sa kotse pagdating namin dun. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Minhyuk ng pinto. Agad na akong lumabas.

"Annyeong Mira! Buti nakarating ka." bati sakin ni Changsub nang pumasok kami. Grabe. Ang gugwapo nilang lahat. Hindi lang ang BtoB kundi pati na rin ang ibang artists.

"Ne. Sinundo ako ni Minhyuk eh." sagot ko.

"Magpeperform kami mamaya. Panoorin mo kami ah." sabi ni Eunkwang.

"Oo naman. Ipagchi-cheer ko pa kayo." sagot ko. Nagpalakpakan naman sila. Para talaga silang mga bata minsan. Nakakatuwa.

"Annyeong." Napalingon kami nang marinig ang bumati. Biglang nagbago ang mood ko nang makita ko sina Sungjae at Sohyun.

"Annyeong!" bati ni Sohyun at nagbow. Nakakamangha ang ganda nya. Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan sya ni Sungjae. Pero sa kabilang banda, napapaisip pa rin ako. Bakit parang walang nangyari nung isang gabi? Ayos lang ba talaga kay Sungjae na hindi sya sinipot ni Sohyun nung date nila? Ganun nya ba kagusto si Sohyun kaya hindi nya magawang magalit?

"Hi guys." Nakita ko naman ang Beast na papalapit sa amin. Ang gugwapo din nila! Halos hindi na ako kumurap nang makita ko sila. Hindi pa rin ako nasasanay kahit na ilang beses ko na silang nakita.

"Oh Mira, nandito ka pala." sabi ni Yeoseob nang makita ako. Nakakatuwa naman kasi natatandaan nila ako.

"Sabi ko na nga ba pupunta ka eh." si Kikwang na ikinagulat ko naman ang sunod na ginawa. Inakbayan nya ako! Napasinghap naman ang iba. Ang iba naman ay ngumisi lang at tumawa.

"Yah sunbae!" Bigla nalang akong hinila ni Minhyuk at itinago sa likod nya. Kung nagulat ako sa ginawa ni Kikwang, mas nagulat naman ako sa ginawa ni Minhyuk. Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang itsura nya. Para syang bata na inaagawan ng candy.

"Tara Mira. Diba sabi mo babatiin mo si Manager-hyung?" sabi ni Minhyuk. Tumango naman ako. "Excuse us guys."

Iniwan na namin sila. Dinala ako ni Minhyuk sa isang room kung saan naroon ang manager nila.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon