Chapter 13

1K 51 11
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Eunkwang has a bad habit of shaking his legs.

2. Minhyuk has a bad habit of streching

(cracking/stretching joints in his body).

3. Changsub has a bad habit of biting of his nails.

4. Hyunsik has no bad habits.

5. Peniel has a bad habit of putting his hands in his pockets and shaking his legs.

6. Ilhoon has a bad habit of writing down impressions.

7. Sungjae has a bad habit of spacing out.

CHAPTER 13

MINHYUK'S POV

"Tama ba yung pagkakasabi ko?" tanong ko kay Mira habang hawak-hawak ang papel na may nakasulat na script ko. Tumango naman sya pero nakatingin sa labas ng bintana.

"Tama ba yung emotion ko?" tanong ko ulet. Tango muli ang isinagot nya.

"Eh ang expression ng mukha ko? Ganun ba dapat? May mali ba?" Tumango ulet sya.

"Talaga? Alin ang mali ko?" tanong ko. Pero gaya nung kanina ay tumango lang ulet sya. Teka, nakikinig ba talaga sya sakin? Ano ba kasing tinitingnan nya sa labas ng glass wall ng starbucks? Wala namang importante ah. Mga sasakyan at taong naglalakad sa kalsada lang naman ang nandun eh. Yung ulan ba ang tinitingnan nya? Oo umuulan sa labas. Buti nalang hindi kami inabutan.

"May problema ba Mira?"

Tumango ulet sya.

"Ano yun? Sabihin mo sakin. Baka matulungan kita." sabi ko. Pero lalo lang akong nag-alala nang tanging tango ang isinagot nya sakin. Kaya naman at niyugyog ko na ang balikat nya na ikinagulat nya naman.

"U-Uh...W-Waeyo?" Yan. Mukhang natauhan na sya.

"Okay ka lang ba? Parang malalim ang iniisip mo eh."

"H-Huh? W-Wala to. May iniisip lang ako." Kinuha nya ang papel na nasa harapan nya at binuklat-buklat ito. "Umm...nasan na nga ba tayo? Tapos na ba ang page one?"

"Sigurado ka bang okay ka lang?" paninigurado ko.

"Uh oo naman. Wag mo na akong intindihin. Balik na tayo sa pagpapractice ng script mo." sagot nya. Hindi ko na rin naman sya kinulit.

"Sya nga pala, gusto ng BtoB na manood ka daw ng practice namin bukas." pag-iiba ko ng topic. Isang beses lang kasi sya pumunta dun eh. At saka gusto rin naming malaman kung ano ang magiging opinion ng isang fan tungkol sa performance namin.

"Talaga? Oo ba. Pupunta ako. Gusto ko rin kayo mapanood." kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata nya. Mukhang nag-iba na ang mood nya. Buti naman.

*****

MIRA'S POV

Papasok na ako ngayon sa Cube Entertainment building. Gaya nga ng sabi ni Minhyuk kagabi ay manunood ako ng practice nila. Ang swerte ko naman. Nagi-guilty nga ako sa nangyari kagabi habang pinag-aaralan namin yung script nya eh. Tulala pala ako habang nagsasalita sya. Ewan ko kung bakit ko ba kasi iniisip si Sungjae nung mga oras na yun. Siguro dahil nakokonsensya na rin ako sa ginawa kong bigla nalang pag-iwan sa kanya sa loob ng restaurant habang kumakain. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Kung wala lang kasi talaga kaming usapan ni Minhyuk eh. Magsosorry nalang ulet ako. At saka hindi ko pa sya nasamahang bumili ng regalo. Di bale na nga sasamahan ko nalang sya kung sakaling pumunta ulet kami sa mall para bumili ng regalo. Kanino nya kaya ibibigay yun? Sino kayang babae ang sinasabi nya? Hindi kaya...

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now