Chapter 18

977 46 9
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. EunKwang is easy to become friends with and he has lots of friends.

2. MinHyuk was an underground music artist by the name of Heota. He worked with Block B's Zico and Kyung before their respective debuts in the K-industry.

3. ChangSeob has a tattoo on his right shoulder that says, "Don't Be Defeated From Yourself".

4. HyunSik's father is the famed folk singer Lim JiHoon who disapproved of him pursuing a music career, at first.

5. Peniel learned to play the guitar at Church.

6. IlHoon is the most unpredictable member of BtoB and he is overflowing with ideas.

7. SungJae used to be very shy but because the members were so friendly and accepting, he got out of his shell.

CHAPTER 18

Nakatanaw pa rin si Sungjae sa langit nang datnan ko sa rooftop. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa akin.

10:00 na ng gabi nang tingnan ko sa orasan. Dalawang oras na pala kaming naghihintay. Pero bakit hindi pa rin dumarating si Sohyun? Nag-aalala na ako.

"Sungjae..." tawag ko sa kanya habang papalapit ako.

Dahan-dahan syang lumingon sa akin. Tapos ay nginitian nya ako. Nakaramdam ako ng sakit dahil sa ngiti na yun. Yun ba ay isang ngiti para itago ang totoo nyang nararamdaman? Hindi ko matukoy.

"Wala pa ba sya?" Aish! Obvious naman pero tinanong ko pa.

Umiling sya. "Wala pa eh."

"Okay ka lang ba?" Napakastupid mo talaga Mira! Sino ba naman ang magiging okay kapag ganito na ang naging sitwasyon? Dalawang oras mo ng hinihintay ang ka-date mo pero hindi pa sya dumarating. Magiging okay ka kaya?

"Okay lang ako." sagot nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Napakagaling kasing magtago ni Sungjae ng nararamdaman nya. Ganun ba talaga pag artista? Kahit na nasasaktan ka na ay magagawa mo pa ring paniwalain ang mga tao na okay ka lang?

*RIIIIIINNNG*

Agad na sinagot ni Sungjae ang tawag. "Sohyun-ah."

Bigla akong kinabahan nang malamang si Sohyun yun. Darating ba sya o hindi? Kung ako ang tatanungin kung ano ang gusto kong mangyari, hindi ako makakasagot. Dahil hindi ko rin alam kung hihilingin kong sana ay dumating si Sohyun o kaya ay wag nalang.

"Ganun ba?...Arasso...Wag kang mag-alala...Naiintindihan kita." Matapos yun ay ibinaba na nya.

"Hindi daw sya makakarating." sabi ni Sungjae.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kalahati sa akin ay natutuwa pero kalahati ang nalulungkot. Lalo pa nung makita ko na naman ang pagngiti nya. Nasasaktan ako para sa kanya.

Naglakad sya papunta sa table. Tapos ay bigla nalang syang naupo at binuksan ang mga pagkaing nakahain doon. Ako naman ay pinapanood lang sya.

"Mira! Anong ginagawa mo dyan? Halika, kumain na tayo." sabi nya na nagpabigat sa nararamdaman ko. Kahit na hindi ako si Sungjae, naiintindihan ko na nasasaktan sya. At parang hindi ko kayang makita yun.

Tumayo sya nang hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. "Lumalamig na ang pagkain kaya kainin na natin to." Hinawakan nya ako sa braso at saka pinaupo sa katapat na upuan. Tapos ay bumalik na sya sa upuan nya.

"Kumain ka ng marami ah. Alam kong napagod ka."

Wala akong ginawa kundi ang tingnan lang sya. Ganito ba talaga sya pag nabibigo?

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin