Chapter 08

1.3K 64 8
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Peniel doesn't have favorite color and movie.

2. Hyunsik's favorite color is red.

3. Minhyuk's favorite color is black and white.

4. Changsub's favorite color is black.

5. Ilhoon's favorite color is black too.

6. Sungjae's favorite colors are red and black.

7. Eunkwang's favorite color is blue.

CHAPTER 08

"Gomawoyo Oppa." nakangiti kong sabi kay Sunjae nang makita ko sya dito sa loob ng mall. Nakita ko ang isang paper bag na dala nya na kung hindi ako nagkakamali ay naglalaman ng mga damit.

"Ano ba kasing nangyari?" nakakunot ang noo nyang tanong sakin.

"Nagpaulan kasi si Minhyuk eh. Tapos wala naman akong damit na pwedeng ipahiram sa kanya. Kaya pumunta ako dito para bilhan sana sya ng damit. Eh hindi ko naman pala alam yung sizes ng mga isusuot nya." paliwanag ko.

"Sana kanina mo pa ako tinawagan. Hindi ka na dapat nagpunta dito. Pwede ko namang ihatid yung mga damit nya sa apartment eh." sabi nya na wala man lang kangiti-ngiti. Ewan ko ba kung bakit gusot ang mukha nya.

"Pasensya ka na talaga kung naabala pa kita ah."

"Okay lang naman sakin yun eh. Kaya nga dapat kanina mo pa ako tinawagan para sana hindi ka na lumabas. Tingnan mo nga oh, ang lakas ng ulan sa labas." sabi nya na tinuro pa ang labas ng mall na nakikita mula sa glass wall. Ang lakas nga ng ulan. Buti nalang nagdala ako ng payong.

"Salamat ulet. Mauna na ako ah. Naghihintay na sya dun sa apartment eh." Kukunin ko na sana yung hawak nyang paper bag pero inilayo nya ito sa akin. Huh?

"Sasama ako." seryoso nyang sabi na sobra kong ikinagulat.

"Huh?"

"Sasama ako papunta sa apartment." sabi nya.

"Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Eh gabi na eh. Galing ka sa practice nyo kaya sigurado akong pagod ka. Kaya magpahinga ka nalang. Ako na ang magdadala ng damit para makauwi na rin si Minhyuk." sabi ko. Kukunin ko na ulet sana yung mga damit pero hindi nya binigay.

"Sasama ako. Sabay na rin kaming uuwi ni Minhyuk-hyung." pagpupumilit nya.

"Pero--"

"Sasama ako. Kaya tara na." pagpuputol nya sa sasabihin ko saka nya hinigit ang kamay ko palabas ng mall. Take note: KAMAY KO! Kahit sobra akong nagtataka ay wala na rin naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Dumiretso kami sa parking lot. Pagdating dun ay saka nya lang binitiwan ang kamay ko. Aware kaya sya na hinawakan nya ang kamay ko? O baka ako lang naman tong nag-iisip na big deal yun? Well, sino ba naman ang hindi iisiping big deal yun? Si Sungjae yun eh. Si Sungjae na hinawakan ang kamay ko! Sabihin nyo nga, dapat ko bang balewalain yun?

"Isuot mo to." Hinubad nya ang suot nyang makapal na jacket at saka inabot sa akin.

"Huh?" nakatitig lang ako sa kanya dahil sa ginawa nya. Bakit nya binibigy sakin yung jacket eh naka-longsleeve blouse naman ako.

"Isuot mo tong jacket. Malamig ang panahon dahil sa ulan." sabi nya na naghihintay na kunin ko yung binibigay nya.

"Wag na Sungjae. Hindi naman ako nilalamig eh." Liar. Oo malamig. Yun talaga ang totoo. Pero ayoko namang kunin yun kasi alam kong sya ang mas nangangailangan nun. T-shirt lang kasi ang suot nya eh. Sigurado akong sya ang mas lalamigin kapag hindi nya sinuot yung jacket.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon