Chapter 05

1.4K 70 5
                                    

CHAPTER 05

Tumatawa kaming pumasok sa loob ng dorm dala ang mga groceries na pinamili namin sa supermarket. Ewan ko ba kasi imbes na mabahala ay tumatawa pa talaga kaming lahat dahil sa nangyari.

"Siguro gulat na gulat yung mga lalaki no? Suntukin ba naman ng 'chics'. Haha." sabi ni Hyunsik. Naging cresent-shaped na naman ang mata ng smiling face na to.

"Wag mo na ngang ipaalala. Nakakahiya." nakayukong sabi ni Sungjae. Aww...Para syang puppy.

"Ano naman ang nakakahiya? Eh wala namang nakakakilala sayo." sabi ni Minhyuk.

Nagpout sya. "Anong wala?"

"Weh? Eh chics nga ang tingin sa inyo nung mga yun eh" - Changsub

"Eh si Mira? Nakakahiya sa kanya. Nakakahiya sa isang fan." Aww. Ang cute talaga ni Sungjae. Parang biglang tumalon ang puso ko dun ah. Nahihiya sya sakin? Kyaaah.

"Bakit ka naman mahihiya? Nakita ko na rin naman kayo dati na nakasuot ng pangbabae eh. Kasama nyo pa nga si Peniel eh." sabi ko. Syempre kunwari walang epekto sakin yun.

"Tama na nga yan. Magluto nalang tayo." pagtatapos ni Minhyuk sa usapang yun.

Pumunta ako sa kusina. Sabi ko kasi sa kanila ako na ang magluluto. Pumayag naman sila. Tuwang-tuwa pa nga eh.

Sa ngayon ay hinihiwa ko ang gulay. Ang BtoB naman ay nasa living room at nagkakatuwaan. Dinig na dinig ko nga yung tawanan at ingay nila eh. Napapangiti tuloy ako kahit na mag-isa lang ako.

"Ba't nakangiti ka mag-isa dyan?"

Napaangat ako ng tingin nang marinig yun. "Ikaw pala Minhyuk." Tiningnan nya naman ako na parang may mali sa sinabi ko. Agad ko namang narealize kung ano yun. "Uh...Oppa pala."

Lumapad ang ngiti nya at ginulo ang buhok ko. "Mas magandang pakinggan diba?"

Tumango nalang ako at yumuko. Naku Minhyuk! Baka maihalo lang kita sa lulutuin ko. Hmm. Ang sarap nya siguro no? Haha. Pritong Minhyuk? Adobong Minhyuk? Sinigang na Minhyuk? Mukhang mas bagay sa kanya ang korean dish. Pero sa tingin ko mas masarap sya pag hindi luto. Yung tipong...rawr. Kyaaah. Ano bang pumapasok sa utak ko?

"Tulungan na kita." sabi nya tapos isinuot ang apron na may design na squirrel. Ang cute nya!

"Huh? Marunong ka magluto?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang sya. Ano naman kaya yun?

Tinulungan nga nya ako kahit na hindi naman ako pumayag. Pinagulong nya sa arina yung manok. Uunahin na naming prituhin yung chicken. Nilagyan ko naman ng mantika yung pan.

"Mainit na tong mantika. Akin na yang chicken." kukunin ko na sana yung chicken na nasa bowl pero inilayo nya sakin. "Ako nalang."

Inagaw ko naman ito sa kanya. "Ako na. Diba sabi ko ako ang magluluto?"

Inagaw nya naman ito. "Ako nalang. Baka mapaso ka pa eh."

Natawa naman ako sa sinabi nya. Syempre kelangan kong tumawa para itago ang pamumula ng mukha ko. Si Minhyuk kasi eh. "Pag hindi mo binigay sakin yan, hindi na kita tatawaging Oppa. Sige ka."

Nalukot ang mukha nya. Tapos ay binigay sa akin yung bowl. "Oh yan na. Oppa na ang itatawag mo sakin ah. At ako lang ang tatawagin mo nun."

Haha. Ano bang problema nitong si Minhyuk. "Ikaw lang? Eh pano sila? Lahat naman kayo ay mas matanda sakin diba? Kahit si Sungjae."

"Ah basta. Deal yan." sabi nya. Hindi nalang ako sumagot. Inilagay ko nalang ang chicken sa mainit na mantika. Pero nung nilagay ko yun ay bigla nalang naging parang fountain yung mantika dahil sa pagtilamsik nito. Itatakip ko na sana ang braso ko para hindi tumama sa mukha ko kaya lang...

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now