Chapter 02

1.9K 100 24
                                    

CHAPTER 02

LEE MINHYUK'S POV

Nakarating na kami sa dorm. Gaya nga ng sinabi ni Leader ay dinala namin dito yung babaeng muntik ko ng masagasaan. Pakshet! Kinabahan ako dun. Baliw ata tong babaeng to eh. Bigla-bigla nalang tumatawid. Hindi ba nya alam ang stop, look, and listen?

Wala pa ring malay ang babae. Nakaupo sya sa likuran katabi sina Ilhoon at Sungjae. Nakahiga ang ulo nya sa balikat ni Sungjae habang pinapaypayan sya ng maknae.

"Hyung! Bilisan mo. Namumutla na sya oh." nag-aalalang sabi sakin ni Sungjae. Kaya naman binilisan ko nalang ang pagdadrive. Lahat siguro kami ay kinakabahan na rin ngayon. Kung kanina ay tulog ang iba, ngayon naman ay gising ang lahat.

Huminto ang kotse sa tapat ng dorm. Isa-isa na silang bumaba. At dahil ako ang pinakamakisig sa aming lahat (Sorry Hyunshik) ako ang bumuhat sa babae. Dinala namin sya sa kwarto at pinahiga sa isa sa mga kama namin.

"Kumuha kayo ng towel at tubig." utos ni Eunkwang. Agad namang sumunod sina Sungjae at Changsub. Pumunta sila sa kitchen at maya-maya lang ay bumalik rito na dala ang mga pinapakuha ni leader.

"Anong binabalak mo ah?" nakangising tanong ni Ilhoon kay Eunkwang.

"Kung anu-ano iniisip mo dyan. Pupunasan ko lang sya." sagot nya tapos binasa nya naman ang towel. Pero bigla itong inagaw ni Peniel. "Ako nalang."

"Hoy Peniel! Akin na yan. Ako na ang magpupunas." inagaw naman ito ni Leader.

"Mabuti pa ako nalang." Inagaw naman ito ni Hyunshik.

"Mga hyung! Ako nalang!" Natahimik ang lahat nang biglang agawin ni Sungjae yung towel.

"Hey maknae! Masyado ka pang bata kaya ako nalang." sabi naman ni Ilhoon at inagaw kay Sungjae yung towel.

"Ssshh." Pinatahimik ko silang lahat nang biglang gumalaw ang babae. Naestatwa ang lahat at halos hindi humihinga habang pinagmamasdan ang babae.

MIRA'S POV

Ang ingay! Saan ba nanggagaling ang mga ingay na yun?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Ang blurd. Kumurap-kurap ako at unti-unting naging malinaw ang paningin ko. Unang bumungad sa akin ang...

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Anim...

Pito...

Pitong lalaki. Ah. Pitong lalaki lang naman pala--ANO?!

"WAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"

Napaatras ang mga lalaking nakapalibot sa akin nang sumigaw ako. Nanlalaki ang mga mata akong napaupo sa higaan at tinakpan ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Nasan ako?! Sino kayo? Anong ginawa nyo sakin?! WAAH! SAKLOLO!"

Hindi nila ako sinagot. Lahat sila ay magkasalubong lang ang mga kilay. Pinagmasdan ko sila ng mabuti. Familiar. Parang kilala ko sila. Parang...

Kamukha silang lahat ng members ng BTOB!!! Nananaginip ba ako?

Tumalon ako sa kama at nagkarate pose. Hiyah! "Hoy kayo! Mga poser kayo noh?! Mga impostor! Porket alam nyong fan ako ng BtoB kinidnap nyo na ako? Pero infairness kamukha nyo talaga ah."

Pagkagulat ang makikita sa mga mukha nila. Akala nila maloloko nila ako? "Anong kelangan nyo sa akin?"

"Look miss. Hindi ka namin kilala okay. At hindi kami kidnappers." sabi ni Eunkwang look-alike.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now