Chapter 40

680 33 2
                                    

Happy Birthday sa ating pinakamamahal na leaderPinilit ko talagang tapusin to ngayon bilang gift ko sa kanya. Hart hart <3

******

SEO EUNKWANG'S POV

"Nakakapagod talaga." sabi ni Sungjae na nasa likurang bahagi ng kotse. Kagagaling lang namin sa isang activity at ngayon ay pabalik na sa dorm para magpahinga. Pano ba namang hindi siya mapapagod eh ang dami-daming ginagawa ng maknae na to. Nagshoshooting siya sa Plus Nine Boys, sa A Song For You, Real Men, tapos magcocomeback pa kami, naghahanda para sa first ever concert namin, tapos magdedebut pa sa Japan. O diba ang busy? Pero mabuti na rin yun kasi kahit papano ay nakakalimutan na niya si Mira. Kumusta na kaya siya?

"Konting tiis nalang guys. Makakamit din natin ang tagumpay." sabi naman ni Minhyuk. Yung iba ay tahimik lang. Tulog ata. Ako naman ang nagd-drive.


BEEEEEPP BEEEEEEPP


SCREEEEEEEECCCHH


"WAAAAAAAAAHHH!"


Halos mapasubsob kaming lahat nang bigla kong ihinto ang sasakyan. Bigla kasing may babaeng tumawid.

"Hyung ano ba!"

Pero hindi ko sila pinansin. Nakatingin lang ako sa babaeng ngayon ay nakatayo sa harapan at nakatakip ang dalawang kamay sa tenga na parang takot na takot. Sobra akong kinabahan. Parang mawawasak na ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Nakakaramdam akogng ganito hindi dahil sa muntik ko na siyang masagasaan. Sobrang kaba ko dahil sa hindi ako makapaniwalang ang babaeng yan ay kilala ko---kilalang-kilala. Hindi ako pwedeng magkamali.

Agad akong bumaba upang lapitan siya. Gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang nakita ko. Baka kasi naghahallucinate na ako eh. Tinawag ako ng BtoB pero hindi ko na sila pinansin.

Nakatayo pa rin doon ang babae. Nakapikit pa rin siya at nakatakip ang kamay sa tenga.

"Timmie?" sambit ko nang malapitan ko siya. Dumilat siya at inalis ang mga kamay sa tenga niya.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. "Ikaw nga! Ikaw nga yan Timmie!"

Kumunot ang noo niya at tinulak ako. "Hindi ako si Timmie! Sino ka ba?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. After all these years hindi ko siya kinalimutan kahit na sinaktan niya ako. Tapos ganyan ang sasabihin niya sa akin?

"Bakit ka ganyan, Timmie?" Pinanghihinaan na ako. Akala ko kapag hindi ko na siya na kita ay makakamove on na ako. Pero hindi pala. Nasasaktan pa rin ako.

"Sabi ng hindi ako si Timmie eh! Aira ang pangalan ko! At para sabihin ko sayo, bulok na yang style mo! Hindi mo ko malilinlang!" Tuluy-tuloy niyang sabi saka tumakbo palayo.

Pinanood ko lang siya. Gusto ko sana siyang sundan pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka lalo na namang akong masaktan sa mga sasabihin niya. Ang sakit nito para sa akin. Sana hindi ko nalang siya nakita. Bumabalik na naman tuloy ang sakit. Sigurado akong siya yun. Nagbago lang yung hairstyle niya. Curly ang dulo ng buhok niya dati pero straight na ngayon. Pero yung mukha at katawan niya ay ganun pa din. Pero bakit niya to ginagawa sa akin? Ganun ba katindi ang pagkamuhi niya sa isang Seo Eunkwang?

Si Timmie Marie. Siya ang first love ko. Girlfriend ko siya bago pa man ako maging isang kpop idol. Nung umpisa ay masaya pa ang relationship namin. Akala ko kami na ang perfect couple. Akala ko kami na ang para sa isa't isa. Ipinagmamalaki ko siya sa lahat. Pero sa tuwing gagawin ko yun ay yuyuko lang siya at papatigilin ako. Ayaw niyang kasama ako sa lakad nila ng mga friends niya. Ayaw niya namang magkasama kami kapag nandyan ang friends ko at ang ibang tao. Ayaw niya rin ng PDA. Kapag nga namamasyal kami walang holding hands eh. Para lang kaming magkaibigan na magkasama.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now