Chapter 09

1.2K 51 8
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Minhyuk's favorite number is 8.

2. Eunkwang's favorite number is 7.

3. Changsub's favorite number is 27.

4. Hyunsik's favorite number is 37.

5. Peniel's favorite number is 73.

6. Ilhoon's favorite number is 1004.

7. Sungjae's favorite numbers are 6, 66, 666.

CHAPTER 09

Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw. Idinilat ko ang mata ko. Parang napakagaan sa dibdib ng pakiramdam ko. Parang ang ganda ng gising ko.

'Basta't ang alam ko lang ay mayroong isang taong nakahawak sa kamay ko at may isa namang pinasandal ang ulo ko sa balikat nya.'

Bigla akong napabangon nang maalala ko yun. Omo! Anong nangyari kagabi?!

Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Ngayon ko lang napansing nandito na ako sa kama. Pano ako napunta dito? Diba nasa sofa ako kagabi at katabi sina Sungjae at Minhyuk habang hinihintay na bumalik ang kuryente? Teka! Nasan na nga pala sila?

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Una kong pinuntahan ang sala pero wala sila. Wala rin sa kusina. Hindi ko nakita ni isa sa kanila. Hindi kaya panaginip lang yun? Panaginip lang ba ang lahat?

Tumingin ako sa labas. Mataas na ang sikat ng araw. Hindi ba't umuulan kagabi?

Pabagsak akong napaupo sa sofa. Imposibleng panaginip lang yun. Alam kong totoo lahat yun. Kung ganun, umalis na sila. Pero paano kaya ako napunta sa kwarto? Sino kaya ang nagdala sakin dun? Si Sungjae ba o si Minhyuk?

*cough cough*

Naku naman. Inuubo pa ako. Magkakasakit pa yata ako. Wag naman sana. Sigurado akong dahil to sa ulan kagabi.

Nagpunta ako sa kusina at nagluto ng noodles. Makakabuti to sakin lalo pa't medyo giniginaw ako.

Nang maluto ay agad kong kinain ang mainit na noodles. Ang sarap sa pakiramdam. Dapat din sigurong uminom na ako ng gamot para hindi na magtuloy-tuloy ang sakit na to.

Binuksan ko ang box kung saan nakalagay ang mga gamot. Marami namang gamot. Yun nga lang hindi ko malaman kung alin dito ang para sa lagnat, ubo at sipon dahil Korean ang nakasulat. Pano ko naman malalaman yun? Hindi ako pamilyar sa mga medical terms na korean. Mabuti pang bumili na muna ako sa labas para sigurado.

Nagsuot ako ng jacket papunta sa labas. Kaya ko naman eh. Naglakad-lakad ako para maghanap ng botika.

"Mira?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. "Mai?" Natatandaan ko sya syempre. Sya yung nakilala kong Filipina din dun sa Cube cafe.

Agad syang lumapit sa akin na parang tuwang-tuwa. "OMG! What a coincidence! San ka pupunta?"

"Bibili ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Alam mo ba kung nasan ang botika?" tanong ko.

"Nae. Diretsuhin mo lang ang street na to then turn right." sabi nya na nagbigay ng direksyon.

"Gomawoyo. San ka nga pala pupunta?"

"Sa Cube cafe. I'm sure nandun ang BtoB mamaya. Nasa Music Bank sila mamaya eh." aniya. Oo nga pala. "Hindi ka ba pupunta?"

Nagkibit-balikat ako. "I'm not sure."

"Wae? Sayang naman ng chance."

Napangiti nalang ako. Kung pwede ko nga lang sabihing hindi ko na kelangang makipagsiksikan sa mga fans kasi lagi ko naman silang nakikita eh. Pero syempre hindi ko naman pwedeng sabihin yun. "Mas maganda kasi siguro kung magpapahinga nalang muna ako eh. Baka kasi tumindi pa ang sakit ng ulo ko."

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon