Chapter 39

748 40 11
                                    

Note: Although sidestory to ni @misterbaozi, I dedicate this to pareng @pennmann. Bago ko sabihin ang news, pupurihin ko na muna sya. Haha. Fanboy yan ng BTOB. May fanfic din syang ginawa (Monday to Sunday). Tsaka GWAPO daw sya! XD Sidestory talaga to ng aking dongsaeng pero dahil gusto kong makaganti kay Pareng Red, ginawa ko syang extra sa chapter na to! HAHA

@Pare! Sana mabasa mo! Mwahaha.
@misterbaozi! Pasensya na kung inabot ng milenyo bago ko to nagawa. XD

********

LEE CHANGSUB'S POV

"BOO!"

"WAAAH!" Napasigaw ako nang bigla akong gulatin ni Sungjae. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong box kaya nagkalat ang mga lamang papel nun.

"Tss. Kasi naman eh! Nagkalat tuloy." Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig. Naging maingat ako para hindi magusot ang mga yun.

Tinulungan nya naman akong pulutin yung mga yun.

"Teka! Ako na! Baka masira pa eh!" saway ko sa kanya.

"Tsk. Hanggang ngayon ba hyung nandyan pa rin sayo yang mga yan?" tanong nya habang pinapanood ako.

"Eh ano naman?"

"Ang OA na kasi eh. Mahigit dalawang taon ng nasayo yan eh. Mula nung magdebut tayo hanggang ngayon ay lagi mo pa ring tinitingnan yang mga letters mula sa fan mo. Kapag wala tayong ginagawa lagi mo yang binabasa eh. Ni hindi mo nga alam kung sino sya."

Napabuntong-hininga ako. Tama si Sungjae. Lagi akong binibigyan ng fan letter ng taong yun. Sobra kong pinapahalagahan ang letters na to kasi sya lang ang laging nagbibigay sakin eh. Feeling ko lagi lang syang nakamasid sa amin kasi halos lahat ng gawin namin ay alam nya. Pero hindi ko masasabing stalker sya kasi hindi naman namin maramdaman ang presence nya.

"Mahigit dalawang taon ka na rin palang inlove sa kanya, hyung!"

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi ni Sungjae.

"Posible pala yun? Nagkakagusto ka sa taong hindi mo naman talagang kilala? Para lang syang character sa mga stories kung tutuusin eh."

Tama sya. Hindi ko rin akalain na posible pala ang bagay na yun. Hindi ko alam na mahuhulog ang loob ko sa taong walang mukha sa isip ko. Hindi ko alam kung pano nangyayari ang ganun. Maliban sa initials nyang L.P.B., wala na akong ibang alam tungkol sa kanya. Pero bakit nakakaramdam ako ng parang naiihi ako kapag binabasa ko tong mga letters nya? Aish! Nakakabakla naman ang ganito! Pero yun talaga ang nararamdaman ko eh.

"Nga pala, nakita mo ba yung notebook ko na color blue? Hindi ko kasi makita eh." tanong nya.

"Hindi eh. Tanong mo sa iba"

"Wala rin daw eh. Tsk. Nasan na kaya yun?"

"Ano bang meron dun?"

"Dun nakasulat ang mga importanteng bagay tungkol kay..." Hindi ko alam kung sinadya nya bang putulin yung sasabihin nya o ano. Bigla din syang nalungkot. Alam kong naalala nya si Mira.

"Ayos lang yan. Magiging maayos din ang lahat. Magco-comeback na tayo oh!" sabi ko habang tinatapik ang balikat nya.

Ngumiti sya ng matipid. "Sobra ko lang talaga syang namimiss, hyung. Mula nung umalis sya wala na tayong contact sa kanya eh. Kumusta na kaya sya?"

Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ni Sungjae. Masiyahing tao yan kaya hindi talaga kami sanay na nagkakaganyan sya.

"Sigurado akong okay lang sya! At least kasama nya ang pamilya nya kaya wag ka ng mag-alala. Smile ka nalang! Ganito oh!" tapos ay pinakitaan ko sya mg matinding derp face! Tumawa naman sya.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now