Chapter 21 (Part 2)

901 48 11
                                    

Ibinalik ko ang teddy bear sa locker. Inilabas ko naman ang white roses. Sa ngayon ay hindi na white ang kulay ng roses dahil naging brown na ito. Nalanta na kasi pero buo pa naman. Napangiti nalang ako nang pagmasdan ko ang white roses na to.

White roses ang itinuro sakin ni Mira nang pumunta kami sa flower shop.

"Para sakin mas meaningful ang white roses kesa sa red roses. It means purity. And purity means alot. Kapag ako ang binigyan nito, sobra akong matutuwa sa taong nagbigay nito sakin dahil pinapakita nya lang kung gaano sya katotoo sa nararamdaman nya, kung gaano ito ka-pure at walang halong biro o anumang kasinungalingan. Magiging kakambal nito ang sincerity, loyalty, trust, at dun mo lang mapapatunayan ang salitang love na magbubunga naman ng totoong happiness para magkaroon ng happily ever after."

Yan ang sinabi nya. Natuwa naman ako kaya yun nalang ang binili ko.

Bumalik ako sa dorm dala ang binili naming white roses. Nagtanong pa sina hyung kung para saan daw yun pero ngiti lang ang isinagot ko. Tinukso pa nila akong ibibigay ko daw yun kay Sohyun. Hayy. Kung alam lang nila na magkaibigan lang talaga kaming dalawa. Buti nga nakikisakay nalang si Sohyun eh.

Dumiretso ako sa kwarto. Binuksan ko yung locker at nakita ko yung teddy bear na pinangalanan kong Mira. Nababaliw na nga talaga ako sa kanya kaya kahit teddy bear ay pinatulan ko pa. Ito yung teddy bear na binalik sa akin ni Sohyun.

"Annyeong Mira." bati ko at kinawayan pa ang teddy bear. "Flowers for you. Sabi mo gusto mo ng white roses diba? Ito na oh. Sigurado akong magugustuhan mo yan. Para sayo naman talaga yan eh."

Nilagay ko yung flowers sa tabi ng teddy bear. "Gusto mo yan diba? Yan binigay ko na. Wala ba akong reward? Wala man lang ba akong kiss dyan?"

Nagpout ako at tinitigan lang ang teddy bear. Para namang sasagot yun. Baliw ka talaga Sungjae. "Sige na nga. Ako nalang ang kikiss sayo. Mwaah!" Tapos ay hinalikan ko ang ilong ng teddy bear.

"Geh. Lalabas na muna ako ah. Sasabihin ko lang sa kanya na tinanggap mo na. Saranghae Mira!"

Nangingiti na naiiyak ako pag naaalala ko yun. Para akong baliw na iniimagine na si Mira ang teddy bear na yun. Ganun ba ako kadesperado? Ganun ko na ba pinapamukha sa sarili ko na wala na akong pag-asa?

Binuksan ko naman ang kabilang row ng locker. Tumambad sa akin ang mga paper bags na wala namang laman. Kung iisipin ay wala namang halaga ang mga ito eh. Pero tinago ko pa rin dahil may mga fingerprints nya ito. Ito kasi yung mga paperbags na dala nya nung nagshopping kami ng mga gagamitin sa date namin kuno ni Sohyun. Ang babaw ko no? Pero lahat kasi ng bagay na may kinalaman kay Mira ay iniingatan ko.

Sobrang saya ko na nakasama ko na naman sya ngayon. Pareho kaming may mga dalang paperbags na naglalaman ng mga pinamili namin. Ayoko na sana syang pagbitbitin kasi ayokong mapagod sya pero nagpumilit sya eh. Kaya hinayaan ko nalang. Pero nang nasa parking lot na kami ay may nakita kaming nagkakagulo. May mga hawak na camera ang mga nagkukumpulang tao. Nagkakagulo sila.

Napagtanto ko na si Sohyun ang pinagkakaguluhan nila. Mag-isa lang sya kaya hindi sya makaalis sa mga taong nagkakagulo sa kanya. Kaya naman bilang kaibigan ay kelangan ko syang tulungan. Kaya bigla akong tumakbo palapit sa kanya at inilayo sya dun. Pero dahil sa hinabol kami ng mga tao ay sumakay nalang kami sa kotse at agad na umalis dahil alam kong hindi sila titigil. Ang totoo ay niligaw lang namin ang mga tao. Nung wala na sila ay bumaba ako para balikan si Mira. Pero pagbalik ko, kasama na nya si Minhyuk-hyung. Pero hindi lang basta magkasama dahil...magkayakap sila.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon