Chapter 27

808 45 11
                                    

Lumabas ako sa supermarket dala ang mga groceries na pinamili ko. Wala na kasing stocks sa apartment eh.

Papunta na ako sa parking lot para sumakay ng taxi nang makita ko si Hyunsik na tumatakbo. Para syang may hinahabol dahil tumatakbo sya habang palinga-linga sa paligid.

"Hyunsik!" tawag ko sa kanya dahil hindi nya ako napansin.

Huminto sya at hinanap ang tumawag sa kanya. Nagulat naman sya nang makita ako. Binigyan nya ng last look ang direksyon na tinatahak nya kanina. Bumuntong-hininga sya tapos lumapit sa akin.

"Mira! Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin.

"Bumili lang ako ng groceries." sagot ko at ipinakita ang mga dala kong plastic bags.

"Marami-rami yan ah. Kasama mo ba si Minhyuk-hyung?"

"Ani. Hindi ko na sya inabala kasi alam kong busy sya." sagot ko.

"Ah. Pauwi ka na ba? Sumabay ka na sakin."

"Naku wag na. Baka busy ka eh. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Wag ka ng tumanggi. Girlfriend ka ni hyung kaya hindi papayag ang sinuman sa BtoB na mag-isa ka. Baka kung ano pang mangyari sayo eh. Kawawa naman si hyung."

Napangiti ako sa sinabi nya. Nakakatouch naman. "Sige na nga. Makakatanggi ba ako sa isang Im Hyunsik?"

Tumawa lang sya kaya nakita ko na naman ang kanyang dakilang eye smile.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang makasakay kami sa kotse. Inistart nya ang engine at nagdrive.

"Uh kasi, akala ko nakita ko yung kakilala ko. Namalikmata lang siguro ako." sabi nya. Mukha syang malungkot nung banggitin nya yun.

"Ah ganun ba? Importanteng tao siguro no?"

Ngumiti sya ng matipid na para bang napakaweird ng sinabi ko. "Ex girlfriend ko yun."

Tumango-tango nalang at nanahimik. Ex girlfriend? Kahit na nacucurious ako ay mas pinili ko nalang na manahimik. Hindi ko naman kasi ugaling makialam sa personal na buhay ng iba lalo na kung hindi naman ako involve.

"Nakipagbreak sya sakin dahil sa hindi ko alam na dahilan. Mula nun ay hindi ko na sya nakita. Kaya kanina nung akala ko sya yun, hinabol ko sya. Pero nagkamali ata ako."

Kahit na medyo nabigla ako sa biglaan nyang pagkukwento sa akin, nakinig nalang ako. Nakipagbreak sa kanya yung girlfriend--este ex girlfriend nya? Si Hyunsik na napakabait, napakasweet, at physically fit? Si Hyunsik na kababaliwan ng sinumang babae? Si Hyunsik na--

"HYUNSIK!!! WAAAAH!!!"

"WAAAAAH!"

Agad na pumreno ang kotse kasabay ng sunud-sunod na pagbusina.

BEEEEEP BEEEEP

Napapikit ako ng mariin dahil sa takot. Buti nalang at may seat belt kami kaya hindi kami napasubsob. Bigla kasing tumawid yung isang babae na hinahabol yung pusa. Ni hindi nya tiningnan kung may kotseng dumadaan o wala.

Pareho kaming hindi nakagalaw ni Hyunsik dahil sa sobrang kaba. Saglit namang huminto ang babae at mabilis na nagbow. Kahit na hindi ko sya naririnig dahil nasa labas sya at nasa loob kami ng kotse, alam ko pa rin na 'Jeosonghamnida' ang sinasabi nya. (I'm sorry-formal) Tapos ay muli nyang hinabol ang pusa.

Lalong tumindi ang kakaibang expression ng mukha ni Hyunsik. Bigla nalang syang lumabas sa kotse. Nacurious ako kaya lumabas na rin ako.

Tumakbo sya habang nakatingin sa direksyong tinatakbuhan ng babae. Balak nya atang habulin ang babae kaya pinigilan ko sya.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now