ii

21.9K 984 137
                                    

WELCOME TO HELL

"Night Blood University," mahinang pagbigkas ko sa mga letrang nakaukit ngayon sa itaas na bahagi ng gate nitong paaralan kung saan ko sisimulan ang unang misyon ko.

Bahagya akong napangiwi nang bigla nalang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Dahil nga hindi tumatagos ang sikat ng araw sa lugar na ito ay mas lalo lang lumalamig ang paligid dahilan para mas mag mukhang nakakatakot ang lugar na ito.

"So, this is the famous Night Blood University, huh?" Sa pangalan palang ng paaralan na ito ay talaga namang nangangamoy na ang kamatayan. It reeks all over the place, nakakaasiwa.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pati narin sa kalangitan na hindi ko naman matanaw dahil sa mayayabong na dahon ng mga punong kahoy. Tanghaling tapat ngayon pero hindi ganoon kaliwanag sa lugar na ito. Para itong pinagkaitan ng liwanag, maybe because of the thick foliage of trees kaya naman ni kahit anino ng araw ay hindi nakakapasok sa lugar na ito.

Nakakamatay rin ang katahimikan sa paligid. Masyado naman kasing secluded ang paaralan na ito. Para nang naririnig ko na ang huni ng mga insekto dahil sa sobrang tahimik.

Sino ba naman kasing siraulo ang magtatayo ng paaralan sa gitna ng kagubatan. Pero sabagay, hindi rin naman kasi itinayo ang paaralan na ito para sa mga tao kundi para sa mga halimaw na nag aaral din dito.

Nakakapasok lang ang mga tao rito kapag pumayag sila na maging pain para sa mga bampira. Para itong malaking experiment center at ang main goal ay pag-aralan kung kaya bang makihalubilo nang mga bampira sa mga tao nang maayos. Sus, sinong niloko nila? Para narin nilang sinabi na kayang mabuhay ng mga lamok nang hindi umiinom ng dugo.

Mostly sa mga pinapadala rito ay 'yong kabilang sa X list ng gobyerno. Ibig sabihin nun, once you become a part of the list, you're good as dead. It was as if you weren't even born in the first place dahil pati ang lahat ng record mo ay mabubura narin sa mundo ng mga tao. Wala rin namang kasiguradohan na makakabalik ka pa oras na nakapasok ka sa paaralan na ito.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa medyo may kalumaan ngunit magarang gate ng eskwelahan. Walang ni kahit isang tao o bampira man lang ang makikita sa paligid kaya nga nagdadalawang isip ako kung tama ba itong lugar na napuntahan ko o hindi.

Tinitigan ko ang mapang dala ko. Sigurado naman akong maayos kong sinunod ang lahat ng mga direksyon na nakasulat sa mapang ito at saka tama naman ang pangalan ng eskwelahan na nakaukit sa itaas na bahagi ng gate kaya sure akong ito iyon.

Maingat kong pinakikiramdaman ang mga nadadaanan ko. Mayroong mga gusaling sira na at ang iba naman ay nilulumot narin halatang matagal nang hindi nagagamit.

Ibinaba ko ang paningin ko sa mga tuyong dahon na naapakan ko. The sound that it creates mix with my heavy breathe resonates in the place. Nakakakilabot pero exciting! Parang palabas lang sa mga horror movies na napapanuod ko.

I'm not scared but the silence that is embracing the whole place is driving me insane. Tao ba talaga at bampira ang nag aaral sa paaralan na ito o mga multo? Mukhang haunted school pa ata itong napasukan ko a'.

Napalingon ako sa gate nang bigla nalang itong sumarang mag-isa at ang kakaiba pa ay unti-unti itong naglaho sa paningin ko. What the! Naglaho? Ibig sabihin no'n ay hindi na talaga ako makakabalik pa?

There's no way that I could still turn my heel and run away from this hell now that the gate was gone. The only option that I have is to forge ahead and start plotting my mission. I shrugged. Oh well, wala narin naman akong planong bumalik pa dahil sa misyon ko.

My grip on the handle of my luggage tightened as I continue walking. This is it! Ilang taon rin akong nag handa para makapasok sa paaralan na 'to, ngayon pa ba ako aatras?

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now