xliv

10.2K 484 124
                                    

[WARNING:

This is a close chapter. No scenes, conversations, or any part of this chapter may be copied and pasted in any of the social media platforms. This is to avoid unwanted despoliation of the contents.]


UNFORTUNATE DOOM


Ilang minuto na akong tahimik lang na nakaupo sa tabi ng kama ni Sebastian habang nakatingin sa maliit na bagay na siyang magiging susi ng Zapero Organization para mahanap ang lugar na ito. Sa ilang araw kong pamamalagi dito ay kapansin-pansin na masyado ngang tago ang lugar na ito. Masyado ding matatayog ang mga pader na nakapaligid sa kabuoan nitong lugar dahilan para mag mukha itong maze. No'ng lumabas kami ni Faolan para pumunta sa kasayahan sana sa Centro ay hindi ko rin matukoy kung papaano ba kami nakalabas dahil sa dami ng mga pasikot-sikot na dinaanan namin. Ngayon alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin magawa-gawa ng kahit na sino ma matukoy ang eksaktong kinaruruonan ng lugar na ito.


Bago pa man makabalik si Sebastian mula sa pagtawag nito kay Faolan ay maingat ko ng inilagay sa ilalim ng kama niya ang tracker na hawak-hawak ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sigurado kung itutuloy ko ba ang plano kong ubosin ang lahi ng mga bampira o hindi. Noong unang pagtongtong ko sa Night Blood University ay isang bagay lang ang nasa isip ko. Ang makuha ang hustisya sa brutal na pagkamatay ng mga magulang ko.


Maayos sanang matatapos ang misyon ko, kung hindi ko lang hinayaan ang sarili ko na malapit sa ilan sa mga kauri nila, lalong-lalo na sa masungit na Alpha nila. Ngayon ay nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko ba ang plano ko o kung hahayaan ko nalang na mamuhay ng payapa ang lahi nila. Matapos kong ilagay sa ilalim ng kama ni Sebastian ang tracker ay tsaka ko inabot ang kwintas na ibinigay ni Mommy saakin no'ng gabing 'yon.


"I should stick to the plan." Sigurado akong alam na ng Zapero Organization na nandito na ako ngayon sa mundo ng mga bampira. Naghihintay nalang sila sa hudyat ko.


Mula sa kawalan ay nabaling ang paningin ko pintuan ng bumukas iyon. Sinundan ko ng tingin ang batang hindi ko na matandaan ang pangalan. Lumapit siya saakin tsaka niya inabot ang kamay ko.


"Masaya akong makilala ka." Ngumiti siya tsaka siya marahang yumakap saakin. Napangiti nalang din ako. Kapag natuloy ang misyon ko, hindi lamang ang mga matatandang bampira ang mauubos kundi pati narin ang mga walang kamuwang-muwang na mga batang ito. Napabuga nalang ako ng hangin.


"Magkikita pa tayo diba?" Tanong nito ng kumawala siya mula sa pagkakayakap sa'kin. Ngumiti ako tsaka ako marahang tumango. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung magkikita paba kami matapos ang gabing ito. I have this feeling that something is about to happen after I cross the border and I don't know what it is.


"Where is Sebastian?" Kaagad na nagiba ang emosyon sa mukha niya. Mula sa masaya ay napalitan iyon ng pangamba tsaka siya yumuko. Kanina pa kasi umalis si Sebastian para puntahan si Faolan pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakabalik.


"Nasa baba siya. Nandoon din si kuya Zatrius at si ate Lauvrene. Kuya Zatrius wanted me to fetch you up. Nasa baba ni si kuya Faolan at aalis na raw kayo. I don't know what happened but I heard them fighting when kuya Sebastian came. He was furious."


"Anong pinagtatalunan nila? Sinong kaaway niya?" He sighs then she gives me a weak smile.


NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now