xxxiv

10.9K 708 235
                                    

SURRENDER


Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman kong impormasyon kagabi. Kaya nga dapat e' mas lalo pa akong mag ingat. Hindi ako pweding mag tiwala nalang basta-basta. Mahirap na at baka bigla na namang may pa-plot twist ang lokong tadhana na 'yan. 

"Class dismiss!" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ng professor namin. Hindi muna ako tumayo at hinintay ko nalang muna na maunang magsilabasan ang mga kaklase ko. Ilang minuto din akong tahimik na nakatingin sa tanawin sa baba bago ko napag pasyahang tumayo na at pumunta sa next class ko. Nangunot ang noo ko ng makarinig ako ng impit na tilian mula sa labas ng classroom na kinaruruonan ko.

Nang makalabas ako ay kagaya ng inaasahan ko eh isa na namang gwapong nilalang ngayon ang feeling model na nakasandal sa glass wall ng hallway kagaya ng palagi niya namang ginagawa. Kaya ng dati ay tinutunaw na naman siya ulit ng tingin ng mga day class students. Napailing nalang ako. Finally, after two days. He showed up. Akala ko ay hindi na siya magpapakita pang muli eh.

Nagsimula siyang maglakad papalapit saakin ng magawi sa direksyon ko ang paningin niya. Sinundan lang naman siya ng tingin ng mga babaeng puno ng pantasya ang mga mata ngayon. He is indeed, the president of the supreme student government. Kung hindi lang sana kulay pula ang buhok niya edi sana mas lalo siyang nag mukhang pormal.

"What?" I ask ng makalapit siya sa kinatatayoan ko. Ngumiti siya ng abot tenga.

"Other girls are drooling over me and there you are, still don't give a damn."

"I'm not normal, that's why." Natawa naman siya sa isinagot ko kaya napailing nalang ako ulit. Bakit kaya nandito na naman siya? Palagi nalang siyang lumalabas tuwing umaga ah. Hindi ba siya natutulog o nag papahinga man lang? Buong gabi kaya ang pasok nila.

"You didn't show up for the last two days. Why?" Imbis na sumagot ay ginulo niya lang ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang akala sa'kin ng bampira na 'to? Aso? 

Sinulyapan ko ng tingin ang mga day class students na nakatingin saamin ngayon at napabuntong hininga nalang ako ng makita na pinapatay na naman nila ako ng tingin. Nahagip pa ng paningin ko ang grupo nina Azeya na masama din ang tingin saakin ngayon at si Vera na titig na titig ngayon sa President na'to. Love at first sight, huh?

"This will be your last class for today?" Tanong ni Faolan habang naglalakad kami ngayon papunta sa next class ko. Tumango nalang ako bilang pagtugon. Sinulyapan ko siya at hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kaniya ngayon. He's a bit livelier than usual. Parang masyado siyang energetic ngayon. Ano kayang nakain niya?

"What's with you?" He is acting really strangely and I don't like it. Para kasing may mangyayaring hindi ko magugustohan. I sigh. I can't deal with another trouble again. Hindi pa nga ako tapos sa problema ko kay Kuya Dominic eh. Inumaga narin ako kanina kakaisip kung ano ba ang mga posibleng rason kung bakit inutosan ni kuya Dominic ang lalaking 'yon na mag iwan ng black rose sa balkonahe ng kwarto ko. Naisip ko na baka parte lang iyon ng plano pero kung ganon nga, bakit hindi niya nalang sinabi saakin? Kung hindi ko pa nahuli ang siraulong lalaki na 'yon edi hindi ko pa malalaman? Tsk.

"Nandito na tayo. Get inside. See you around Hyrreti." Ngumiti ulit siya tsaka na siya tuloyang nag laho sa paningin ko. That's odd. Maglalakad na sana ako papasok sa susunod kong klase kung hindi lang nahagip ng paningin ko ang nilalang na nakatayo ngayon sa ilalim ng puno hindi kalayoan saakin. He's looking at me with a serious face. After two days, I finally got to see his face again.

"Why are you just standing there, Kleinhaus?" I whisper even if I know he can't hear it. In just a snap, he disappears from my sight. What's with that mystifying arrogant again? Tsk. They're all acting so strangely right now. Pumasok nalang ako sa huling klase ko ngayong araw.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now