xl

9.8K 589 152
                                    

HIS MARK

"I—I'm starting to curse the blood moon. It m-makes me cry for no reason." Pinunasan ko ang luha ko tsaka ako tumalikud at nagsimulang maglakad papalayo. Kanina ko pa dapat 'to ginawa eh. Dapat una palang, tumalikod na ako at umalis. Hindi pa man ako nakakatatlong ng maramdaman ko ang kamay na humila sa pulsohan ko.

"Faolan..." kumunot ang noo ko ng ipatong niya ang kamay ko sa balikat niya. What is he doing? I knit my brows in confusion.

"What—

"Dance, Hyrreti." Bulong niya ng mas hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Hindi na ako nakaangal pa ng magsimula kaming sumayaw.

"You are no loser, Hyrreti." He murmurs as he dried the tears in my cheeks using his thumb. He's right. I'm not a loser. It just takes a minute when I feel those piercing stares of someone, and even without looking at, I know exactly who owns those pair of eyes. Hindi ko nalang iyon pinansin at isinandal ko nalang ang noo ko sa balikat ni Faolan.

Naiangat ko lang ulit ang paningin ko ng matanaw ko hindi kalayoan si Lauvrene at si Zatrius na palabas ng lugar. That b*tch—bakit siya nakasunod kay Zatrius ngayon eh kanina lang nakikipaghalikan pa siya kay Alpha?

Out of curiosity, I moved my gaze to Sebastian. He's standing right there, staring blankly in my direction. I don't know what's running into his head right now. All I know is I hate him. Tsk. Inabot ko ang kamay ni Faolan.

"I want to go somewhere."

"Well then, run away with me." Nakangiting saad niya tsaka niya ako marahang hinila palabas ng lugar. Napabuga ako ng hangin ng tuloyan na kaming makalabas. Mabuti naman at hindi ko na maramdaman ang presensya ng lintik na Alpha na 'yon.

Nang makarating kami sa harden nitong lugar ay doon lang kami huminto sa paglalakad. Napailing nalang ako ng bumalik na naman sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Bakit ganon nalang ako kung makareact sa mga nangyari? Bakit parang pinipiga 'yong puso ko? Hayst, ang corny naman nito. Ni hindi ko nga alam kung bakit parang bigla-bigla eh gusto ko nalang maiyak. Tsk.

Ganito na nga ata talaga ang nagiging epekto kapag matagal kang hindi nasisikatan ng araw. Mas lalo akong nagiging abnormal eh. Jeez.

"Here." Napatingin ako kay Faolan ng itapat niya sa mukha ko ang cuff ng suot niyang pulo. Kinunotan ko siya ng noon na siya namang ikinailing niya. Humarap siya saakin tsaka niya ipinalibot sa braso ko 'yong coat na suot niya. Mukhang ngayon lang din ako nakaramdam ng lamig ah. Kinulang nga pala sa tela 'tong suot kong gown.

"You're crying again, I hate it." Inabot niya ang mukha ko at siya na mismo ang nagpunas ng pisnge ko gamit ang manggas ng suot niyang pulo.

"Pasensya ka na, wala akong dalang panyo." Tumango nalang ako dahil wala rin naman akong mahanap na salitang pweding isagot.

"Gusto ko ng bumalik sa Night Blood." Saad ko tsaka ako naglakad papunta sa isang lumang bench na nadirito din ngayon sa harden na 'to. Mula dito ay kitang-kita ang malaking fountain na nasa harapan ng malaking pasilidad kung saan ginaganap ang kasayahan ngayon.

"The blood moon will be celebrated for three days, during that time, no one is allowed to cross the border." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What? So that means, I'm stuck in this place for three whole days?


"He didn't tell you, huh?" That's more of a statement than a question kaya naman hindi nalang ako sumagot. Plano ba ng lintik na bampirang 'yon na gawin akong alay sa last day ng blood moon celebration nila? Ginagalit talaga ako ng isang 'yon eh.

"You can stay in our place if you want to." Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Their place? You mean, to the place where royal-blooded vampires live? Ngumiti ako sa kaniya tsaka ako marahang tumango. Finally, after four years, matatapos narin ang misyon na 'to. Nararamdaman ko na na malapit ko ng mahanap ang lokasyon ng mga royal-blooded vampires. Kung alam ko lang sana na royal-blooded vampire din pala ang president ng supreme student government ng NBU, edi sana hindi ko na kinailangan pang magtiis sa kasungitan ng Alpha na 'yon. Tsk.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now