li

10.8K 514 121
                                    


Two words


Ngayong gabi, matatapos narin ang lahat ng mga plano na ilang taon rin nilang pinaghandaan. 'Yon ay ang pagpapabagsak sa gobyerno ng mga tao na nagnanais na ubosin ang lahi ng mga bampira, pati narin ng kaalyado nitong isang organisasyon.

Una palang ay alam na nila ang plano ng mga ito na ubosin ang lahi ng mga bampira. Ang totoo ay hindi naman talaga mga bampira ang nagpatayo ng Night Blood University para umpisahan ang misyon na gawing mga normal na nilalang ang mga bampira. Ideya iyon ng pamahalaan ng mga tao para sa lihim nilang binabalak na pagpapabagsak sa lahi ng mga bampira.

Ang totoo ay no'ng una ay lingid rin iyon sa kaalaman ng bampira ngunit nagbago iyon ng ang ama na ni Sebastian ang naging Alpha ng paaralan. Unti-unting lumabas ang totoong kulay na tinatago ng gobyerno ng mapag-alaman ng kanyang ama na isa-isang pinapapatay ng mga namamahala sa gobyerno ang mga taong nakakalabas ng paaralan.

The government sends those humans and so, they can fetch some information that they need to exterminate the species of the vampires. After they get the information that they need, they will kill the students and that process go over and over.

Wala sa kanila ang nakakabalik ng buhay sa mundo ng mga tao at ang malala pa ay pinapapatay rin pala ng gobyerno ang mga pamilya ng mga estudyanteng pinapadala nila para nang sa ganoon ay hindi ito makapagsalita tungkol sa kasakimang ginagawa ng gobyerno.

Simula noon ay wala ni kahit isang estudyante ang hinahayaang makalabas ng paaralan. Kailangan nilang gawin ang bagay na iyon ng sa ganoon ay maprotektahan nila ang mga taong sapilitang pinapadala sa unibersidad na iyon. Matapos nilang magtapos sa kanilang pag-aaral ay ginagawa silang mga bagong professor sa unibersidad at ang iba sa kanila ay tumutulong na magtrabaho sa tormenting facility ng sa gano'n ay may rason silang manatili sa unibersidad.

Ang ilan ay pinapalabas nila na namatay sa isang trahedya o di naman ay nagpakamatay ng boluntaryo ng sa ganoon ay hindi magduda ang mga namamahala sa gobyerno. That's been the order for years until the title was given to Sebastian when he turned eighteen.

Sebastian carefully watched each and every move of the human government. That's when he found out that it wasn't just the government but there was also one organization who works under them who aims to exterminate the race of the vampires. It's the Zapero Organization. From that moment, he starts to observed the man who leads the organization.

Dahil sa mga tauhang inuutosan niya para kumalap ng impormasyon, nalaman niya ang tungkol sa pamilya ni Hernandez na nakatira sa isang lumang bahay sa tabi ng isang gubat sa maliit na nayon ng San Luisita. Nang matuon ang paningin niya sa larawang ibinigay sa kaniya ng isa sa mga tauhan niya, that's when everything messed up.

Sa unang gabi ng pagmamasid nila sa bahay na tinutuloyan ng asawa at anak ni Hernandez, he came to meet Luna Hyrreti, the girl who messed up her plan. On that night, he found out that the girl was his beloved. The one whom he was bonded to be with forever.

"President, kaunti nalang ang natitirang buhay sa mga tauhan ng Zapero at nahuli narin ang lahat ng mga namamahala sa gobyerno na siyang sapilitang nagpapadala ng mga estudyante sa Night Blood University." Saad ng isa sa mga miyembro ng supreme student na nagngangalang Veine Moore. Tumango lang naman ako tsaka ko binalingan ang ilan pa sa mga tauhan ng Zapero nang lumabas ang mga ito mula sa isang silid.

Ilang taon ding silang naghanda para sa pagpapabagsak ng mga taong kasangkot sa sapilitang pagpapadala ng mga estudyante sa Night Blood University at sa mga nagtatangkang ubosin ang lahi ng mga bampira. Ngayon na malapit ng matapos ang lahat, makakalaya narin ang lahat ng mga estudyante na ilang taon ding nakulong sa tagong paaralan na iyon.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon