xxiv

12.3K 722 224
                                    

STRANGE EMOTION

Bawat hakbang ko ay nakasunod saakin ang tingin ng mga night class students na nadadaanan ko. Ngayon ay naglalakad ako sa pasilyo nitong main building para puntahan ang magaling na Alpha na iyon na bigla nalang akong ipinatawag sa kalagitnaan ng gabi. Hindi ko alam kung ano na naman bang trip niya at ngayon niya pa ako naisipang ipatawag sa lugar na ito.

Hindi ko sila pinansin at tahimik lang ako na nagpatuloy sa paglalakad. Ito ang unang beses na nagpunta ako dito ng gabi. Ganito pala ang pakiramdam maging bampira na sa gabi lang pumapasok. Ang totoo ay hindi ko inaasahan na marami parin palang bampira na pumupunta rito tuwing gabi kahit na sumasabay sila ng pasok sa mga day class students tuwing umaga. Mukhang kinasanayan na ata nilang magpunta rito tuwing gabi dahil 'yon naman talaga ang regular schedule nila bilang mga estudyante ng unibersidad na ito.

"They look so expensive, geez." Bulong ko habang sinusulyapan ko ng tingin ang bawat mga bampira na nadadaanan ko.

Mas nagmumukha silang mamahalin tuwing gabi dahil sa liwanag ng buwan na mukhang nilikha na ata para mas lalo silang pagandahin. Their uniforms look good on them at kakaiba din sila kung gumalaw. Tipong makikita mo talaga na hindi lamang sila mga simpleng estudyante lang ng paaralan na ito.

"Where the heck is that library?" Sa tagal ko dito sa unibersidad na ito ay hindi pa ako ni minsan man napadpad sa library ng paaralan na ito. Ngayon tuloy e' hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.

Matapos ng ilang minutong paglalakad at nahanap ko narin sa wakas ang kinaruruonan ng library ng eskwelahan na ito. Napatingin ako sa isang malaking pintuan na nasa harapan ko ngayon. Wala ng estudyante sa parte na ito ng main building dahil mukha hindi naman mahilig tumambay sa library ang mga bampira.

Hindi na ako nag abalang kumatok pa at binuksan ko nalang iyong pintuan. Bahagya akong sumilip sa loob para tignan kung nandito ba talaga siya. Nang hindi ko siya makita ay naglakad nalang ako papasok tsaka ko sinuyod ng tingin ang kabuoan nitong silid. So, this is the library huh?

Puno ng nagtataasang bookshelves ang library na ito na mayroong libo-libong mga libro. Mayroon ding magagarang overhead light na nakasabit sa bawat sulok ng silid na siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuoan ng silid. Bukod pa doon ay gawa din sa salamin ang pader ng silid na ito dahiln para tumagos ang liwanag ng buwan sa loob. Tanaw din ang kagubatan sa labas pero dahil madilim ay hindi ko iyon malinaw na nakikita.

Nabaling ang paningin ko sa isang lalaki na nakatayo ngayon sa tabi ng glass wall at tahimik na nakatingin sa labas. Bahagya siyang natatamaan ng liwanag ng buwan dahilan para mas lalong kumintab ang maputing balat niya. "No wonder why a lot of girls are drooling over this man." Naiiling na bulong ko tsaka na ako nagsimulang maglakad papalapit sa kaniya.

"What do you want, Kleinhaus?" Tanong ko ng makalapit na ako sa kaniya. Yes, after a week of trying to memorize his name. Na-memorize ko narin sa wakas ang apilyedo niya. Mabuti nalang at nabanggit iyon ng kapatid niyang wala ng ibang ginawa kundi ang gulohin ang buhay ko.

Namulsa siya tsaka niya lang ako binalingan ng tingin.

"Tomorrow, there will be a change of schedule for both humans and vampires." Naglakad siya papunta sa isang malapit na lamesa kung saan may nakapatong na isang papel. Kunot noong sinundan ko lang siya ng tingin.

"Here is the new schedule." Iniabot niya saakin ang hawak niyang folder. Tinanggap ko iyon tsaka ko tinignan ang nakasulat sa papel na laman no'n. Kaagad na nagsalpukan ang mga kilay ko ng mabasa ko ang nakasulat doon.

"What? Malilipat sa gabi ang schedule ng pagpasok ng mga estudyante? What kind of joke is this?" Bulalas ko.

Nanatili lang naman siyang tahimik na nakatingin saakin dahilan para mapabuntong hininga nalang ako. Kailan ko ba makakausap ng matino ang bampira na 'to? Napailing nalang ako.


NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon