xvii

12.1K 694 323
                                    

TARGET

Why is he staring at me that way? I hiss. Huminto ako sa pagtutog tsaka ako tumayo. I think I already ruined the mood so there's no point continuing to play this piece anymore.

Binalingan ko si Azeya na nakatayo ngayon sa tabi ng stage. She's darting me a deadly glare, as if she can kill me with those sharp gazes of her. I just gave her a sinister smile. Inirapan niya ako tsaka siya padabog na nag martsa pabalik sa table kung saan nakaupo ang mga kasama niyang supreme student. Akala niya siguro ay mapapahiya niya ako ah. Not gonna happen bitch!

Naglakad na ako pabalik sa lamesang inuukupa naming tatlo. Habang naglalakad ay sinusundan parin talaga ako ng tingin ng mga hinayupak na mga estudyante nato. May iba pa ngang bampira na tinititigan ako na parang gusto na nila akong gawing hapunan ngayon. I rolled my eyes. Subokan kaya nilang lumapit saakin at ng masupalpal ko ang mga pagmumukha nila.

Nang matuon ulit ang paningin ko sa lamesa kung saan nakaupo ang mga supreme students ay nakita ko si Veine na nakangiti saakin. Tipid lang naman akong bilang tugon. Lumipat naman ang paningin ko sa babaeng katabi nito. Siya iyong babae na sumalubong saakin noong unang araw ko dito sa Night Blood. Nakatingin siya saakin ng masama na ani mo ay gusto niya na akong tunawin gamit lamang ang mga mata niya. Ang laki talaga ata ng problema saakin ng babaeng 'to eh.

"Damn girl, thank you for ruining the mood." Natatawang salubong saakin ni Xy tsaka niya inabot saakin ang isang basong may lamang inumin. Tinanggap ko naman iyon tsaka ako umupo sa iuupoan ko kanina.

"You're welcome." I replied as I took a sip of the drink, she gave me. I winced with its bitter taste. What the hell is this? An alcoholic drink?

Napatawa lang naman silang dalawa sa reaksyon ko. Mukhang marami naring naiinom ang dalawang 'to dahil bakas na sa mukha nila ang epekto ng alak na ininom nila. Napailing ako.

"Seroiusly, don't drink too much bitches! Hindi ako mag dadalawang isip na iwanan kayo mamaya kapag tuloyan kayong nalasing." Ngumisi lang naman si Demiana tsaka niya marahang tinapik ang balikat ko.

"Don't worry. Hindi kami magpapakalasing dahil hindi na kami makasayaw mamayang hating gabi." Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Hindi mo ba binasa ang mga impormasyon na naka sulat doon sa information corner? Ang sabi doon, pipili ng isang day class students na maisasayaw ang mga estudyanteng galing sa night class students. For once tonight, the red rose will not serve as a sign of warning." Paliwanag ni Xy tsaka siya muling uminom sa baso na hawak niya.

"Yeah, the hottie from the night class will give a red rose as a sign of invitation to their chosen girl. This event also happened before. Tomorrow, every student is required to drop the roses that they receive as a sign of camaraderie between the two types of students in the old well at the back of the main building. That is a ritual." Napatango ako sa paliwanag nilang dalawa. So, may ganoon pa palang pakulo ang eskwelahan na 'to?

"The Alpha had finally arrived. Let's all give him our sign of respect." Napatingin ang lahat sa entrance nitong event kung saan naglalakad ngayon papasok ang Alpha nitong impyerno na 'to. Tumayo naman ang lahat. They all bow down as a sign of respect to the presence of their Alpha.

Nanatili akong nakaupo. Kanina ko pa alam na nandito siya pero mukhang mas trip niya atang huwag munang magpakita kaya ngayon lang siya pumasok.

I watch him as he made his way through the crowd at dumeretso na siya sa harapan kung saan nakalagay ang trono niya. Syempre, he's the king, the ruler, the great Alpha. Sino naman ang nag sabing mauupo siya kasabay ng mga estudyante lang ng Night Blood University?

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon