Epilogue

13.4K 584 135
                                    

"This will be my last day in this university." Bulong ko habang sinusuyod ko ng tingin ang mga nadaanan kong gusali.

Nandito ako ngayon sa may main building para maglibot-libot. Bukas ay aalis na kami nila nanay Cecelia at babalik na sa mundo ng mga tao kaya naman sinusulit ko na ang mga natitirang oras na makakapaglibot ako sa paaralan na ito.

"This place hasn't changed at all."

Huminto ako sa paglalakad saka ko iniangat ang paningin ko sa medyo madilim parin na kalangitan ng paaralan na ito. Kagaya ng dati ay hindi parin nakakapasok ang liwanag ng araw sa lugar na ito. Isang beses ko lang atang nasaksihan na naabut ng liwanag ang lugar na ito. 'Yon ay noong araw nang pagatake ng Zapero sa unibersidad na ito.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad hanggang sa umabot ako sa lugar kung saan nila inililibing ang mga namayapa na. Maraming tao ang namatay na at hindi na nakaabot oa sa araw na 'to kung kailan makakabalik na sila sa totoong mundo kung saan sila nagmula.

Noong nakaraan ko lang din nalaman ang tungkol sa lugar na ito. Huminto ako sa harapan ng dalawang magkatabing puntod. Inilagay ko roon ang tangkay ng kulay itim na rosas na hawak ko. Tahimik na tinitigan ko ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng dalawang tao na naging parte ng buhay ko no'ng pumasok ako sa unibersidad na ito. Both of them betrayed me, but they're still my friends.

"I will treasure our memories forever, Demiana. Please tell Xy that I already forgive her. Alam kong nagawa niya lang 'yon dahil gusto niyang ipaghiganti ang pagakamatay ng mama at kapatid niya. I hope you're at peace now." Bulong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko habang inaalala ko ang lahat ng mga alaala at pinagsamahan naming apat.

No'ng una ko silang makilala, akala ko makakaya kong hindi mapalapit sa kanila. But then, I was wrong. I learned to little by little, let them break down my walls. Maybe, I longed for that kind of relationship too. 'Yong tipong may kaibigan kang makakausap mo kapag malungkot ka.

"Nandito ka lang pala."

Napatingin ako kay Veine nang bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko. Kita ko ang pag guhit ng lungkot sa mga mata niya nang matuon din ang paningin niya sa puntod nila Xy at Demiana.

"Mamimiss ko silang dalawa. Ang totoo ay alam ko na talaga ang tungkol sa pagkatao nilang dalawa simula no'ng una palang, pero hindi ko parin maiwasang hindi mapalapit sa kanila. I try to save them, but I failed. At the end, we still ended up losing them." Malungkot na saad niya. Nanatili lang naman akong tahimik.

'Yeah, we lost both of them in this bloody game.'

"It will be fine. I'll just be right here so don't worry."

Ngayon ay nakatayo ako sa labas ng malaking pintuan nitong library ng mansyon ni Sebastian. Nasa loob ng silid na ito ang totoo kong ama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. Ang totoo ay mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman ko sa halip na saya.

We've been separated for a very long time. Hindi niya ako ni minsan man nakita dahil itinakbo ako ni mommy para itago sa kaniya. Now, I wonder how will he react when he sees me? Matutuwa kaya siya, o baka naman ayaw niya sa akin?

Napatingin ulit ako kay Sebastian nang pisilin niya ang mga kamay ko. "I'm really scared, Sebastian," bulong ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng itaas niya ang kamay niya saka niya marahang hinaplos ang pisnge ko. Inayos niya rin ang buhok ko saka niya iyon iginiya sa likod ng tenga ko.

"I won't leave you. Hihintayin kita rito." Alanganin akong ngumiti sa kaniya saka ako tumango. Itinuon ko na ulit ang paningin ko sa pintuan na nasa harapan namin saka na ako nagsimulang maglakad papalapit doon.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon