xiv

13K 845 178
                                    

HIS NAME


Minutes had passed and we're still standing right here in the middle of the night, unmoving. No one dares to talk like as if we are both muted. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha niya at seryuso lang siya na nakatingin saakin na parang pinag-aaralan niya na naman kung papaano niya ba mauubos ang dugo ko ngayong gabi. Napairap nalang tuloy ako. Here we go again!

May plano pa bang gumalaw ang mukong na 'to? O baka naman plano niyang tumayo nalang dito hanggang sa abotin kami ng pagsikat ng araw-oh well, hindi nga naman pala sumisikat ang araw sa lugar na ito. Dahil nga nababagot na ako at mukhang wala namang balak magsalita ang bampira na 'to ay uunahan ko nalang siya.

"Ahm, hi--damn!"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko pa sana ng bigla nalang niyang inabut ang pulsohan ko tsaka niya ako hinila at sa isang iglap nga eh nasa ibang lugar na naman kami. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang nasa harapan na kami ng isang mansyon. The same mansyon na balak ko sanang punatahan kanina kung hindi lang umepal ang dalawang asungot na iyon.

Kagaya ng sinabi ko kanina ay nasa tabi lang ng lawa nakatayo ang mansyon na ito dahilan para mas lalo itong magmukhang mamahalin. Ito lang rin ang nag-iisang mansyon na nakatayo sa parte na ito ng nayon. Halos triple narin nito ang laki ng bahay namin sa skyline village.

So, hindi nga ako nagkamali. Siya nga talaga ang nakatira sa magarang mansion na ito. Napailing ako. Talaga nga naman oh. Pa-VIP talaga masyado ang mukong na ito kahit kailan.

"Follow me." Napatingin ako sa kaniya ng mauna na siyang maglakad papasok sa pintuan ng magarang mansyon kung saan siya nakatira. Napairap ako. Inuutosan ba ako ng kutong lupa na 'to? Napabuntong hininga nalang ako tsaka ako sumunod sakaniya.

'Just this one, Hyrreti! Let this slip for now. It's for the sake of your mission.'

Pangungumbinsi ko sa sarili ko dahil hindi talaga lubos na matanggap ng systema ko na inuutosan lang ako ng walang hiyang bampira na 'to. Geez. I just want to wring his neck right now. Imbis na mag reklamo pa ay sumunod nalang ako sa kaniya.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng mansyon niya nang tuloyan na kaming makapasok. Gusto ko sanang sabihin na wala akong pakialam sa desinyo nitong mansyon pero hindi ko maiwasang hindi mamangha lalo na sa classic royal themed design ng mansyon na ito. Mayroon ding mga magagandang paintaings na nakasabit sa bawat sulok ng mansion. Malaki at magara din ang chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng malaking living room hindi kalayoan saamin.

Woah. Ang ganda naman ng mansion na 'to. Ang swerte talaga ng tukmol na 'to.

"Wait-wait." Saad ko ng makita ko siyang maglakad paakyat sa isang malaki at maluwang na hagdan nitong mansyon. Huwag niyang sabihin na iiwan niya ako ditong mag-isa?

Huminto naman siya sa paghakbang tsaka siya lumingon sa direksyon ko. Doon ko lang napansin na nakasuot pa pala siya ng uniform nila. Mukhang kakagaling niya lang ata sa main building. Ibig sabihin ay pumupasok din pala siya kagaya ng ibang mga normal na estudyante sa paaralan na ito.

Ang pagkakaiba lang ay kumpara sa silver name tag na nakasabit sa blazer ng uniporme namin ay isang golden name tag ang gamit nya kung saan nakaukit ang apelyido niya.

"Kleihaus?" Mahinang pagbasa ko sa nakaukit na mga letra sa nametag niya. Kumunot ang noo ko. Iyon ba ang apelyido niya?

"Clean your wound and go home." Utos niya ulit na ikinalukot ng mukha ko. Aangal pa sana ako kaso bigla na naman siyang naglaho sa paningin ko kagaya ng palagi nilang ginagawa. Sinasagad talaga ng lintik na 'yon ang pasensya ko ah! Napapikit nalang ako para pakalmahin ang sarili ko. I'm doing my best not to awaken the demon inside of me cause if that happens, I might burn this mansion to ashes.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now