xx

12.7K 761 154
                                    

SAFE

"Do you want to visit real hell?" Bored na tanong ko sa grupo ng mga babae na wagas kung makatingin saakin ngayon sabay bulongan na parang mga siraulong kinulang sa aruga. Kapag natapos ko talaga ang misyon ko sa mga bampira nayon ay isusunod ko talagang tugisin ang lahat ng mga kauri nitong mga ipis na 'to.

Agad naman silang nagsiiwas ng tingin na parang mga takot na tuta. Napairap nalang tuloy ako tsaka nagsimula na ulit maglakad papunta sa pangatlong klase ko ngayong araw. Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak ko. Hindi ito isang normal na ballpen lamang kundi isang secret weapon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakukuha ang mga dagger na naiwan ko sa mansyon ng paniki na iyon at naiwan ko rin ang kustilyong ibinigay saakin ni Demiana dati.

Simula kasi no'ng malaman nila na naging kalast-dance ang Alpha nila ay marami na akong natatanggap na death threats kaya naman pang-proteksyon ko narin ang ballpen na 'to kapag may bigla nalang umataki saakin habang naglalakad ako. Hindi ko pa naman kabisado ang takbo ng isip ng mga estudyante sa impyerno na 'to.

Three days had passed and rumors still spread like wildfire. Why can't these people just move on already? Ano naman kasi ngayon kung naging last dance ko yung Alpha nila? Against din ba yun sa rules?

Speaking of that son of a bitch. Simula no'ng full moon ay hindi na siya muling nag paramdam pa. Hindi naman sa gusto ko talagang makita ang nakakairitang pagmumukha ng bampira na 'yon ah. Naiinis lang ako dahil hanggang ngayon e' hindi parin umuusad ang plano ko.

Isa pa ay gusto ko rin siyang tanongin tungkol sa kulay itim na rosas na nakuha ko noon sa balkonahe ng kwarto ko. Gusto kong malaman kung may alam ba siya tungkol sa bagay na iyon. At kung bakit ako nakatanggap ng gano'ng klaseng rosas sa unang araw ko sa paaralan na ito.

"Damn!" I cuss, out of frustration. Kung tumatalab lang sana ang gayuma sa mga bampira edi sana hindi na sumasakit ang ulo ko ngayon kakaisip ng paraan para makuha ang loob ng masungit na nilalang na 'yon. Kaso ni hindi nga nagpapakita ng kahit anong emosyon man lang ang bampirang 'yon kaya mukhang pati gayuma eh hindi din tatalab sa kaniya. Isa pa, hindi ko din naman alam kung saang lupalop ba ng mundo ako makakahanap ng gayuma.

Hindi ko alam kung ano ba nag susunod na klase namin ngayon. Ang sabi lang kasi ng professor namin kanina ay pumunta kami sa battle ground ngayon dahil sa isang mahalang anunsyo ang principal ng Night Blood. Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niya pang sinabi dahil nakatulog na ako at nagising nalang ako na wala na namang taong naiwan sa klasrom kundi ako nalang.

Napailing ako nang tumunog na ang bell at mabilis na nagsipasukan na ang mga estudyante sa mga klase nila hanggang sa ako nalang mag-isa ang naiwang mag-isang naglalakad dito sa may hallway. Tumahimik narin sawakas ang paligid.

"Hyrreti," Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Xy.

Nilingun ko siya at nakitang tumatakbo siya ngayon papalapit saakin hawak-hawak ang isang pana at sa likuran naman niya ay may nakasabit na lalagyan ng mga palaso. Kumukot naman ang noo ko. Saang digmaan naman pupunta ang isang 'to at bakit may dala-dala siyang pana? Mangangaso ba siya?

"Bakit nandito kapa? Tara na sa battle ground!"

Hindi na ako nakareklamo pa nang hilahin niya nalang ako bigla.

Ibig sabihin ay papunta din pala siya sa battle ground ngayon? Kung gano'n, bakit may dala-dala siyang pana at plaso? Anong meron? Ang alam ko lang kasi ay kailangan naming pumunta sa battle ground para sa isang importanteng anunsyo.

That battle ground, this is the first time na makakapasok ako sa lugar na iyon. Tanging mga nasa higher level lang kasi ang pweding pumasok sa lugar na iyon para magsanay. Kung hindi ako nagkakamali, sa pasilidad na iyon ginaganap ang mga mapanganib na aktibidad nitong paaralan.



NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon