xvi

13.2K 766 262
                                    

SAD MELODY


Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Kunot ang noong bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko tsaka ko binalingan ng masamang tingin ang dalawang babae na siyang nag bukas ng kurtina ng bintana nitong silid na hinihigaan ko. Napatingin ako sa isang basang bimpo nang malaglag iypn mula sa noo ko.

Kinuha ko iyon tsaka ko inilibot ang paningin ko sa kabuoan nitong silid. My forehead crease forthwith when I realize that I'm not in my room-sleeping not in my own bed, and to make the scenario even worse, I'm not wearing the same clothes that I am wearing last night.

'Damn-nasaan ako? Paanong nandirito ako ngayon sa isang silid na hindi ko naman alam kung kanino? At higit sa lahat, bakit iba na ang suot kong damit?'

Napatingin ako ulit sa bimpong hawak ko tsaka ako sa noo kong medyo mainit. Nilalagnat parin pala ako. Ang natatandaan ko lang e' yung mga deadly adventures na sinagupa ko, yung pag gamot nung alpha na 'yon sa'kin at tsaka-teka!--'yung hinayupak na alpha na 'yon! Dahil sa tagal ng pagpupulong nila kagabi ay nakatulog natulo ako sa kwarto niya. Kaagad akong pakapa sa katawan ko, may ginawa ba siyang masama saakin? Malaman ko lang talaga na may ginawang hindi kaaya-aya ang lintik na 'yon habang natutulog ako, babasagan ko talaga siya ng bungo.

Napaismid ako habang pilit kong inaalala ang pangalan niya. Ang alam ko ay sinabi niya iyon kagabi saakin. Ano nga ulit ang pangalan ng paniki na 'yon? Ferdro? Fernandu? Anak ng! Nakalimutan ko! Napasampal nalang ako sa noo.

"Magandang umaga, young lady." Napatingin ako sa matandang babae na bigla nalang nagsalita sa tabi ko. Napalalim ata masyado ang iniisip ko at hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala siya. She's the same old woman na sumama sa'kin kagabi para gamutin ang sugat ko. She's now wearing eyeglass kaya naman mas lalong naging pormal ang pustora niya. So, nandito parin pala talaga ako sa mansyon ng bampira na 'yon?

"What happened last night? Who changed my clothes? And who brought me here?" Tanong ko sa matanda na hindi ko naman alam ang pangalan. Mukhang may ideya na ako kung sinong nagdala saakin sa kwarto na ito pero kailangan ko munang makasigurado. She just gave me a genuine smile tsaka siya tumango doon sa dalawang babae. Sila iyong nag bukas ng kurtina ng bintana kanina.

Binalingan ko silang dalawa at doon ko lang nakita na pareho silang nakasuot ng uniporme ng mga night class students. Kaagad na ikinubli ko ang mukha ko sa comforter na gamit ko ng bumaling sila saakin. 'Oh no! Baka isumbong na naman ako ng mga 'to dahil sa pag labag ko na naman sa batas ng paaralan.'

"Don't worry, young lady. Hindi sila magsasalita tungkol sa pagpunta mo rito. 'Yon ang utos sa kanila ni Sebastian kaninang umaga." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi na iyon ng ginang na nasa tabi ko. Sabay na yumuko iyong dalawang babaeng bampira bago sila sabay na lumabas nitong silid.

"Kamusta ang iyong pagtulog, young lady? Maayos naba ang iyong pakiramdam?" Napangiwi ako dahil hindi ko ana mabilang kung ilang beses na ba niya akong tinawag na young lady. "Luna nalang po ang itawag niyo saakin." Alanganing saad ko.

"Pwedi ko bang malaman kung ano ba ang mga nangyari kagabi? Bakit ako nandito?" Woah! Parang ang galang kong pakinggan do'n ah. Sandali siyang umiling tsaka niya inayos ang mga unan sa kama ko.

"Hindi ko alam ang eksaktong nangyari kagabi. Mag-aalas tres na no'ng ipinatawag ako ni Sebastian para bihisan ka. Siya ang nag buhat sayo mula sa kwarto niya papunta sa silid na ito." Nakangiting tugon niya na siyang ikinalukot ng mukha ko. Hindi ko nagugustohan ang paraan ng pag ngiti niya saakin ah. Sa paraan kasi ng pag ngiti niya ay parang tinutukso sa masungit na paniki na 'yon.

"Ahh..." Tumingin ako ulit sa labas ng binata ng kwarto na ito. That's when realization hit me. Nanlaki ang mga mata ko tsaka ako mabilis na bumaba sa kamang kinauupoan ko. 'Geez! Kapag nalaman nila Demiana na buong magdamag akong wala sa kwarto ko ay siguradong malilintikan na naman ako. Kailangan ko ng umuwi.'

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now