special chapter

11.4K 453 77
                                    

Matapos ang matagumpay na pag papabagsak sa gobyerno at sa Zapero Organization na siyang ugat sa lahat ng mga paghihirap at problema na kailangang indahin ng mga estudyante ng Night Blood University at ng lahi ng mga bampira, sa wakas ay nabigyan narin ng wakas ang lahat.

Humans finally had the chance to get out of the university without the fear na baka ipahanap at ipapatay sila ng mga taong siya ring sapilitang nagpadala sa kanila sa loob ng unibersidad ng Night Blood. Hindi nila alam kung anong buhay ang sasalubong sa kanila oras na tumapak silang muli sa mundo na pinanggalingan nila pero ang mahalaga, alam nilang sa wakas ay makakauwi narin sila.

Sebastian fixed everything. And with the help of the newly rebuilt government of the human world, all the humans who were sent to Night Blood University managed to get back to the kind of life they have noong hindi pa sila sapilitang kinuha ng gobyerno.

Walang kahit na ano mang balita ang lumabas tungkol sa nangyari sa pagitan ng mga bampira at mga taong sangkot sa pagpapabagsak sa lahi nila. Sebastian did his best para manatili iyong sekreto sa kaalaman ng mga tao. Hindi pa handa ang lahi nila para ibunyag ang presensya nila sa mga tao kaya mahigpit niyang pinaalalahanan ang lahat ng mga taong nakakaalam na huwag itong ipagsabe sa kahit na sino.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kabuoan ng Night Blood nang tuloyan nang mawala ang lahat ng mga day class students na minsan naring naging parte ng paaralan. The whole school becomes empty. Night class students continue with their daily life kahit alam nilang hindi na katulad ng dati ang lahat. The school wasn't the same anymore without the presence of day class students. They could feel the loneliness in the air but they remained silent about it.

Walang nag tangkang magsalita tungkol sa lahat ng mga nangyari. Nanatiling tikom ang bibig nila at hinahayaan nalang ang sariling mag adjust sa bagong sistema ng paaralan. Faolan and his officers did their best para ayusin ang lahat ng mga nasirang gusali. Zatrius and Lauvrene, on the other hand, were assigned to fix all the ruined infrastructure in the vampire world at linisin ang kalat na naiwan ng mga tauhan ng gobyerno at Zapero. And, Sebastian? He just focused on his new plan. A plan to dethrone his grandfather.

Isang taon lang ang ipinangako niya kay Luna kaya kailangan niyang matapos ang lahat ng mga plano niya sa loob lamang ng maliit na panahong iyon. Hindi iyon madali pero dahil sa kagustuhan niyang matapos narin ang lahat at makabalik kay Luna ay handa siyang gawin ang lahat. He trained all day and night. Isa-isa niya ring kinakausap ang lahat ng mga makapangyarihang uri ng bampirang sumusuporta sa lolo niya.

"Naayos na ang lahat ng mga gusaling nagiba dahil sa pagatake. Bumalik narin sa dati ang hitsura ng unibersidad. Bibisita ka ba bukas sa main building?" Tanong ni Faolan nang makapasok ito sa library ni Sebastian. Nakita niya siyang nakatayo sa harap ng gawa sa salaming pader ng library nito kung saan tanaw ang kumikinang na tubig ng lawa.

Sebastian shook his head. "I have something to do tomorrow." Tipid na sagot nito saka ito uminom sa baso ng alak na hawak niya. Napailing nalang tuloy si Faolan.

Simula no'ng umalis si Luna, mas lalong naging malamig ang anyo ng lalaki. Ni hindi nga nila ito madalas na nakikita dahil busy ito masiyado sa mga plano nitong pabagsakin ang lolo niya. 'Yon lang din ang naisip nilang paraan para ma protektahan si Luna. Yes, it was all for Luna. Gano'n siya ka importante sa kanila. They will do everything to keep her safe, dahil iyon naman ang tama. They cause so much trauma in her life, and this is the only thing they know para bumawi sa kaniya.

They all know Sebastian's grandfather was not an easy enemy. Ito ang pinaka makapangyarihang persona sa mundo ng mga bampira. The Kleinhaus ruled the whole race. Kahit gusto niya mang tumulong sa kaibigan ay wala rin siyang magagawa. Throndsens and Mandeville are powerful but they only followed orders too. Kung makakatulong man siya, malamang ay hindi iyon gano'n kalaki.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now