xiii

13.4K 819 196
                                    

MEET AGAIN


Matapos kung mag handa ay naglakad na ako agad papunta sa balkonahe ng kwarto ko. Dahan-dahan akong sumampa sa railings tsaka ako ekspertong humakbang papunta sa isang malaking sanga ng punong kahoy na malapit lang sa balkonahe ng kwarto ko. Mabuti nalang at nandirito ang puno na ito, hindi ko na kailangan pang tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay na 'to.

Hindi rin naman kasi akong pweding dumaan sa main door dahil baka makita pa ako nina Veine. Nang tuloyan na akong makababa ay tahimik ko nang tinahak ang daan papuntang Night Blood Village. Ang lugar kung saan lumulungga ang mga bampira na 'yon.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi titigan ang kagandahan ng buwan. Silence embraces the whole place at wala akong ibang naririnig kundi ang pag hinga ko lang. Sigurado akong patay na naman ako kapag may nakahuli saakin dito-well-yun ay kung mahuhuli nga nila ako. Inayos ko ang kulay itim na mask na suot ko para pag nagkataon ay hindi nila agad ako mamukhaan. Kagaya nga ng sinabi ko. Ayaw ko ng mag hintay pa ng ilang araw para masimulan ang misyon na ito. Kailangan ko ng mahanap kung saan nakatira ang mga royal blooded vampires na iyon at alam kong isang tao lang ang makakaturo saakin sa lugar na iyon.

Dahil gabi ay natitiyak kong kaunti lang ang bampirang natitira ngayon sa Night Blood Village dahil tuwing gabi ang schedule nila sa pag pasok. Sa ganoong paraan ay mas mapapadali ang pagpuslit ko sa lungga nila. Napaisip tuloy ako kung ano bang pinag-aaralan ng mga hinayupak na'yon. May chemistry din kaya sila? Math? O baka naman ang pinag-aaralan nila eh kung papaano nila mauubos ang dugo ng mga inosente nilang bektima. Tsk.

Those vampires, no matter how good looking they might be, they will remain as filthy bloodsuckers. They all deserve nothing but to rot in hell.


"Whoa." I murmured when I reached the entrance of the Night Blood Village.

Kung nakakatakot ito sa malayoan, mas nakakatakot pa pala ito sa malapitan. The silence and the cold breeze of the air sends a chill to my system. Added to the scary ambiance of this place is the darkness that is also embracing the whole tunnel. May nakapunta narin kayang day class student dito? Napailing ako sa naisip. Malamang sa malamang ay wala pang naglakas loob na pumunta sa lugar na ito. Ako lang naman kasi ata itong siraulo at hindi marunog sumunod sa rules ng school eh.

A rush of excitement enveloped my whole system as I tried to gaze upon the far edge of the tunnel. Napaisip tuloy ako kung gaano ba ka haba ang tunnel na ito. Hindi ko man lang kasi matanaw ang dulo nito mula sa kinatatayoan ko eh.

I let out another huff as I fetch the small flashlight on the pocket of my jacket. This is it! Let the bloody adventure...

"Begin..." Malokong pag dugtong ko sa mga salitang nasa isipan ko tsaka ako nag simulang humakbang papasok sa madilim na tunnel na ito.

Napaisip tuloy ako kung anong bubungad saakin mamaya kapag narating ko na ang dulo ng tunnel na 'to. Siguro isang village na mukhang tirahan ng mga multo ang hitsura ng lungga ng mga bampira na iyon. Ganoon naman kasi ang mga nakikita ko sa mga palabas eh. Madilim din siguro doon dahil hindi naman mahilig sa liwanag ang mga bampira. Kaya nga sila nagtatago sa dilim dahil kahinaan nila ang liwanag eh.


"Dammit!" I cuss dahil ilang minuto na akong naglalakad ay hindi ko parin talaga makita ang dulo ng tunnel na tinatahak ko ngayon. Punyeta naman oh. Sino bang siraulo ang gumawa ng ganito kahabang tunnel? Nako! pa-plantsahin ko talaga ang kulubot niyang utak kapag nakilala ko kung sino siya! Mas lalo niya akong pinapahirapan eh.

Pagkatapos ng isang libong taon ay narating ko narin sa wakas ang dulo ng tunnel nato. Muntik na nga akong sumuko at bumalik nalang sa skyline village kanina eh. Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang halos isang oras din pala akong naglakad sa halos walang kataposang tunnel na ito. Akala ko tuloy kanina eh nasa isang ilusyon na naman ako. I take a deep breath first bago ako nagsimulang maglakad ulit palabas sa tunnel.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now