viii

13.9K 781 93
                                    

DEADLY


It's been a week now since I took my first step into this hell. Time flies so fast at ngayon nga ay medyo nasasanay na ako sa walang kataposang pag sunod saakin ng tingin ng mga estudyante tuwing dumadaan ako sa harapan nila.

I sigh. A week in hell but still up until now eh hindi parin ako nakakahanap ng magandang way para umpisahan ang mission ko. Simula no'ng gabing nakaharap ko ang Alpha ng paaralan ay hindi narin ulit nagkasalubong pa ang mundo naming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis.

"Hyrreti hindi mo na naman kami hinintay?" I heard someone exclaim. Hindi ko na  kailangan pang lumingon para alamin kung kaninong boses 'yon dahil palagi naman na itong nangyayari saakin nitong mga nakaraang araw. I rolled my eyes.

Tatlong araw na simula no'ng mas gumulo lalo ang buhay ko. Those three weird housemates of mine are always messing the hell out of me. Hindi ko na sila natatakasan tuwing umaga dahil maaga na din silang gumigising para sabayan ako sa pagpasok. Baka daw kasi mapasama na naman ako sa gulo. Well bitch, what do you expect from me? Trouble seems to like me so much and I can do nothing about it.

"What?" Naiiritang tanong ko ng tuloyan na silang makalapit saakin. They're all breathing roughly dahil narin siguro sa paghabol nila saakin. Kung bakit ba kasi hindi nalang nila ako hayaang mag-isa eh.

"Next time wait for us, okay? Look at this. Hindi ko pa nasusuot ang necktie ko dahil sayo." Inis na saad ni Demiana habang kinakabit niya ang necktie ng uniform niya. I rolled my eyes again. Having these three people always stuck beside me is so frustrating. Tsk.

"Omo, what's going on? Bakit nagkakagulo ang mga estudyante sa information corner?" Tanong ni Xy habang nakaturo sa isang malaking gusali hindi kalayoan saamin. Sa mga normal na school, bulletin board lang ang meron eh. Ang arte naman ng school nato.

"Oo nga no. Tara tignan natin! Baka may bagong balitang nakalagay doon kaya naman nagkakagulo ang mga day class students." Kaagad na kumunot ang noo ko sa suhestiyon ni Demiana.

"Oh no, that's not a good idea!" Hindi ako makikipagsiksikan sa kumpolan ng mga estudyante na 'yan. Sa liit ng pasensya ko ay baka may mabasagan pa ako ng bungo pag nagkataon.

"C'mon Hyrreti. Don't kill the excitement." Napairap nalang ako tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Kung gusto nilang makichismis ay wala na akong pakialam. Hindi ako pumasok sa eskwelahan na 'to para sa mga walang kabulohang bagay.

"Tara bilisan natiin dahil malapit ng tumunog ang bell." Nagmadali sila naglakad papunta sa information corner na sinasabi nila. Napailing nalang ako tsaka ako walang pakalam na nag patuloy lang ako sa paglalakad. Mabuti nga iyon at nang hindi na sila magmukhang aso kakasunod saakin. Gusto ko ng makarating sa unang klase ko hindi para makinig sa guro kundi para matulog.

Akala ko eh payapa na akong makakapunta sa unang klase ko pero hindi parin pala dahil naramdaman ko nalang ang pares ng mga kamay na kumapit sa balikat ko.

"You're not going anywhere without us, Hyrreti." Hindi na ako nakareklamo pa ng simulan nila akong hilahin pabalik sa information corner kung saan sila pupunta. Napailing nalang ako. Calm down Hyrreti, they're still your housemates. Nang makataring kami sa kumpolan ng mga estudyante ay mas lalo lang akong nainis. Ayaw ko talaga sa mga ganitong klaseng lugar. Masyadong magulo at maingay.

Nakipagsiksikan kami sa mga estudyante para lang makarating sa harapan na bahagi ng silid kung saan nakalagay ang malaking monitor na siyang pinagkakagulohan ng mga estudyante. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapapikit sa inis habang paulit-ulit akong binubunggo ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Nagsimula na naman tuloy uminit ang ulo ko. I have my temper under control not until one of the students' steps on my foot and worse, he even just looks at me up and down as if he's not really sorry for stepping on me. What a jerk!

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now