xxxiii

10.5K 592 73
                                    

NO MERCY


"Come, let's get out of here, Luna!" Said a voice na hindi ko kilala kung kanino pero parang pamilyar saakin. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napansin na nadirito na naman pala ako ulit sa lumang bahay namin. Bahay kung saan walang awa na pinatay ng mga bampira ang mga magulang ko.

"Luna!" Nabaling ang paningin ko sa babaeng ito na kagaya kanina ay malabo parin ang mukha. Sino ba siya? Bakit alam niya ang pangalan ko? Kilala ko ba siya? Maglalakad na sana ako papalapit doon sa babae para makita ko ng tuloyan ang mukha niya ngunit natigilan ako sa isang boses na umecho sa buong sulok nitong kwarto ko.

"Lumayo ka sa kaniya, Hyrreti!" Binalingan ko ng tingin ang direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon at kagaya ng inaasahan ko, siya nga. Her angelic face. Her sapphire blue eyes that's just like a reflection of mine. I miss her so much!

"Mother," Tanging na isa-tinig ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha na ngayon ay puno na ng iba't ibang emosyon. Nakasandal siya ngayon sa pintoan nitong kwarto ko at nakahawak sa isang balikat niya. She's breathing erratically as if she's been through a long race. Bakas ang sakit sa mukha niya dahil sa sugat na natamo niya sa kaliwang balikat niya. Puno narin ng mantsa ng dugo ang kulay puti niyang damit.

"Mother," Kagaya kanina ay 'yon na naman ulit ang tanging salita na lumabas mula sa bibig ko. Tatakbo na sana ako papalapit sa kaniya para yakapin siya pero hindi ko nagawa nang sa isang iglap ay bigla nalang nag bago ang paligid. Hindi kagaya kanina na maayos at malinis ang silid ko na ito, ngayon ay napuno na ito ng mga nag kalat na gamit at mga basag na salamin.

Nakatayo parin ako sa eksaktong lugar na kinatatayoan ko kanina pero ngayon, tuloyan ng nag iba ang takbo ng estorya. Tahimik na akong nakaharap sa mommy ko na ngayon ay nakaupo na sa malamig na sahig nitong silid. Humihikbi siya ng mahina habang nakatingin sa babaeng katabi niya na ngayon ay wala ng buhay at naliligo na sa sarili niyang dugo. What happened?

"Hyrreti," Rinig kong tawag sakin ni mommy pero nanatiling nakatuon ang paningin ko sa walang buhay na katawan ng mysteryusong babae na ngayon ay nakahandusay sa sahig ng kwarto ko at wala ng buhay. Who killed her? Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ko mula roon ang pag daloy ng isang likido. 

My eyes widened in disbelief ng makita ko ang dugoan kong kamay. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makitang hawak-hawak ko rin ang isang kutsilyo at puno ng dugo ang patalim nito. Anong nangyari? Bakit may hawak akong kutsilyo? At bakit balot ng dugo ang kamay ko? Wait—hindi maaari...

"N-NO!" I exclaimed in horror. Nagsimula akong manginig sa takot ng makita ko ang pagpatak ng dugo mula sa kamay ko pababa sa sahig ng kwarto ko. Ibinaling ko ulit ang paningin ko doon sa walang buhay na babaeng hindi ko makita ang mukha. Am I the one—-who killed this woman?

Nagising ako ng maramdaman ko ang kamay na dumantay saakin. Iminulat ko ang mga mata ko at doon ko lang napag tanto na isang masamang panaginip lang naman pala iyon. Akala ko totoo na. Napabuga ako ng hangin tsaka ko ibinaling ang paningin ko sa tatlong nilalang na nakasiksik ngayon sa tabi ko. 

Nabaling din ang paningin ko sa kamay ni Demiana na nakadantay saakin. Mabuti nalang pala at dito sila natulog dahil kung hindi, baka hanggang ngayon ay hindi parin ako nagigising mula sa masamang panaginip na iyon. Malakas parin ang ulan sa labas at sumisilip din ang mabibilis na liwanag sa loob ng kwarto ko dahil sa malakas na pagkulog sa labas. Napahilamos ako sa mukha ko tsaka ako dahan-dahang umupo sa kama ko.

"It was just a nightmare." Bulong ko tsaka ko tinitigan ang mga kamay ko. Parang totoo pero panaginip lang naman pala. That lady, she's the same woman na napanaginipan ko noon ah. Ang boses niya. Bakit kaya bigla-bigla nalang siyang pumapasok sa panaginip ko ngayon? Kilala ko ba siya? Tuwing napapanaginipan ko siya ay doon din sa lumang bahay namin ang lokasyon. Nagkataon lang kaya 'yon? Hayst. Siguro nga nag kataon lang iyon. Hindi ko naman kasi siya kilala.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now