xlv

9.3K 481 148
                                    

[WARNING:


This is a close chapter. No scenes, conversations, or any part of this chapter may be copied and pasted in any of the social media platforms. This is to avoid unwanted despoliation of the contents.]


TRUTH


"Hyrreti, why are you still standing there? Come here." It was Mommy. I let out a small smile. Her sweet angelic voice is something I want to hear for the rest of my life. I watched her as she carefully laid a blanket on the grassy ground of our backyard. She then put the food we'd prepared a while ago into it. She turns to face me once again then she waves her hand telling me to come over. Napangiti nalang ako bago ako tumakbo papalapit sa direksyon niya tsaka ako yumakap sa kaniya. I don't know if this is a dream but if it is, I'll rather stay with this dream forever.


"Oh, bakit hindi ako kasali? Asan na ang yakap ni Daddy?" Napalingun ako sa direksyon ng boses na iyon ng bigla nalang itong magsalita sa likuran ko.


"Dad..." I murmured which he just responded with a wide smile. Ngumiti ako ng malawak bago ako tumakbo din sa direksyon niya tsaka din siya binigyan ng isang mahigpit na yakap. Natawa lang naman siya ng mahina.


"We miss you too sweetie." He caresses the back of my head. It calms me down. I miss Dad too, badly, that I just wanna stay here right beside him and Mom forever.


"Hali na kayong dalawa rito." Nangingiting saad din ni Mommy. Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Daddy tsaka ako humawak sa kamay niya. Bago pa man ako makahakbang papalapit sa direksyon ni Mommy ay bigla nalang nagbago ang paligid.


Inilibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngayon. Magisa nalang ako habang naglalakad sa may kakahuyan hindi kalayuan sa bahay namin. Mommy always forbids me to go in this place dahil marami daw mababangis na hayup sa lugar na ito pero kahit ganon ay palagi parin akong tumatakas para magpunta sa lugar na ito. 


Dala-dala ang isang maliit na basket ay tinahak ko ang daan papunta sa isang lumang bahay na nakatayo sa kabilang dulo ng gubat.


Nang makarating ako ay kaagad na kumurba ang maliit na ngiti sa labi ko ng matanaw ko ang isang matanda na ngayon ay masayang nagdidilig ng mga bulaklak na nakatanim sa harden malapit sa bahay niya. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Kaagad din naman siyang ngumiti ng matanaw niya ako. 


"Oh ija, nandito ka na naman ba para manghingi ng mga rosas?" Napatango ako tsaka ako ngumiti ng abot tenga sa kaniya. Kahit na malapit ay hindi ko ganoong maaninag ang mukha niya. Para bang natatakpan iyon ng makapal na hamog at ang tanging nakikita ko lang ay ang buhok niya at ang paggalaw ng bibig niya.


"Oh siya, ito at kakakuha ko lang din nito. Alam ko naman na dadating ka dahil nagbabadya na ang pagulan." Tumawa siya na siya tsaka niya inabot ang kulay itim na mga rosas na nakalagay sa isang kahon malapit sa kaniya. Mukha ngang inaasahan niya na ang pagdating ko dahil maayos na nakabalot na iyon. Mabilis na tinanggap ko iyon tsaka ko iyon inilagay sa maliit na basket na dala-dala ko. Bahagya akong tumingala sa kalangitan na natatabunan na ngayon ng kulay abong mga ulap. 

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now