xlvi

9.1K 465 181
                                    

[WARNING:

This is a close chapter. No scenes, conversations, or any part of this chapter may be copied and paste in any of the social media platforms. This is to avoid unwanted despoliation of the contents.]

"Bakit mo tinutulongan ang mga bampira na iyon? You're a traitor to the organization. Kapag nalaman ito ng headmaster, tiyak na paglalamayan ka na sa susunod na araw." Napailing siya tsaka niya pinaglaruan ang baril na hawak niya.

"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit pumasok ako sa organisasyon na iyon, Salvatore? Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang maging utosan ng mga bobong 'yon." Kumurba na naman ang isang malokong ngiti sa mga labi niya.

"All of this is just a part of the plan, Salvatore." Panimula niya tsaka siya ngumiti ng abot tenga. Itinutok niya saakin ang dulo ng baril na hawak niya tsaka siya umiling. "Nakaplano na ang lahat. Ang pagsali mo sa organisasyon na iyon at ang pagpasok mo sa paaralan na 'to. Lahat ng 'yon parte lang ng isang malaking plano." I frown.

Ano bang plano ang pinagsasabi ng babaeng 'to? Bakit hindi niya nalang ako deretsohin at ng matapos na? Tsk. Nagugulohan man ay nanatili akong walang imik na nakamasid sa bawat galaw niya.

"Let me give you some clues since you look pathetic right now. 4 years ago, you've been a part of our life." Pakiramdam ko ay pinipiga ang utak ko dahil sa mga sinasabi niya. I've been a part of their life? Sinong tinutukoy niyang sila?

"We used to be friends. Palagi kang pumupunta sa bahay para manghingi ng kulay itim na rosas kay lola tuwing malapit ng umulan. Naaalala mo ba?" Bahagya siyang napahinto tsaka siya natawa at marahang napailing.

"Silly me. Of course, you don't. Dahil mas pinili mong kalimutan ang lahat. Siguro, dahil gusto mong patahimikin ka ng konsensya mo. Pero maalala mo rin ang lahat Salvatore. hindi mo matatakasan ang mga nangyari no'ng gabing 'yon." Napabuntong hininga nalang ako. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa babaeng 'to eh. Bakit pa ba kasi naisipan ni Faolan na iwanan dito ang isang 'to?

"Kahit isa ay wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo Vera. Baka gusto mong mag lagay ng subtitle ng hindi ka naman mag mukhang tanga diyan." Irap ko tsaka ako sumandal sa headboard ng kama ni Faolan. Sumama naman ang timpla ng mukha niya dahil sa mga sinabi ko. Napairap nalang tuloy ako.

"Ano ba kasing pinagsasabi mong magkakilala na tayo dati pa? Wala akong maalalang nakipagkaibigan ako sa isang engkanto noon."

Pagdudugtong ko pa na ikinasama lalo ng timpla ng mukha niya. Napailing nalang ako tsaka ako napahawak braso ko ng makaramdam ako ng pagkirot mula doon.

Napamura ako ng mahina ng maramdaman ko ang unti-unting pag usbong ng sakit sa buong katawan ko. Umeepekto na naman ang itinurok nilang gamot sa katawan ko kanina. Kung ano mang klaseng gamot iyon ay wala akong ideya.

Binalingan ko ng tingin si Vera and that's when a vision of a young girl flashed into my head. Sandali muna akong napapikit dahil sa mga imaheng pilit na pumapasok sa isipan ko.

"Urgh!" I cried when my head starts to throb in pain again. Habang tumatagal ay unti-unting nagiging malinaw ang mga imaheng pumapasok sa isipan ko hanggang sa tuloyan ko na iyong masilayan.

It was a vision of a young girl running in the middle of woods. She giggles as she tries to run away from me. "Vera.." I couldn't help but to whisper as I watch her running around, creating a small crack noice out of the dry leaves that is covering the ground. Why am I seeing a young version of Vera in my vision?

"Mukhang may naaalala ka na ah." Sandali kong sinulyapan si Vera ng bigla nalang siyang magsalita sa tabi ko. No way! So, she's really telling the truth? Dati palang ay magkakilala na kami? Paano nangyari 'yon? Bakit wala akong maalalang nagkakilala na kami dati?

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon