xxix

11.6K 629 117
                                    

DEADLY PATTERN


Hindi ko alam kung ilang oras na naman akong nakatulog, nagising nalang kasi ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa paligid ko. Bahagyang kumunot ko dahil sa gustohin ko mang bumalik muli sa pagtulog ay hindi ko na magawa dahil pilit akong binubulabog ng mga taong nag-uusap ngayon sa tabi ko. Ano bang ingay 'yon at bakit parang nagtatalo sila? Hindi ko iminulat ang mga mata ko at nanatili nalang muna akong nakapikit. Gusto ko pang matulog e'.

"You'll be in a big trouble kapag hindi pa siya nagising sa loob, Lysandria!"

"Can you shut the hell up!"

"Didn't I warned you not to give that dare!"

"The Alpha is dead furious right now and that's all you thanks to your brilliant idea, Lysandria! Kapag hindi siya nagising ewan ko nalang talaga kung anong magagawa ng Alpha sayo!"

"Bakit sino ba siya? She's just a mere human—-"

"You can't tell—"

"Pweding bang tumahimik kayo!" Yamot na saad ko dahil kanina pa talaga ako naririndi sa mga pagtatalo nila. Ano ba kasing pinag-uusapan ng mga lintik na'to? Bakit naman magagalit ang Alpha na'yon?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at mukha ni Xy, Demiana, at Veine ang unang bumungad saakin. Kagaya ng dati eh nakatitig na naman sila saakin na para silang mga bata na takot maiwan ng mga nanay nila. Napairap nalang tuloy ako tsaka ako bumangon at binalingan ng masamang tingin ang iba pang nilalang na nadirito din ngayon sa silid kung saan ako natutulog.Wait—isang silid?

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan nitong silid. Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ako pweding magkamali. Ito rin ang kwarto kung saan ako natulog noong una akong mapadpad sa mansiyon na ito. And yes, I'm here agian, in that Alpha's mansion. And these group of shits who wakes me up from my slumber are staring at me like I am some sort of a dead person rouse up to life again. Problema ng mga 'to? Ano, pati pag gising labag nadin sa rules? Namimihasa na sila ah.

Hindi ko nalang sila pinansin at inalala ko nalang ang mga nangyari at kung pa-paanong nandito na ako ngayon sa mansiyon ng Alpha na iyon. Ang natatandaan ko e' nasa kagubatan pa kami ng Alpha na 'yon ah. Pagkatapos ay inatake ako ng isang rogue vampire na muntik ko ng ikamatay pero hindi natuloy dahil dumating ang Alpha na 'yon iniligtas ako. Inilibot ko ulit ang paningin ko sa kabuoan ng silid. Bakit ako nandito?

"Finally, the queen is awake. Pwedi na ba akong umalis?!" Maarteng saad nitong si Lysandria tsaka niya ako inirapan. Sinamaan ko siya ng tingin. I don't like her attitude at kapag inirapan niya pa ulit ako ay sisigurado kong hindi niya na magagamit pang muli yang mga mata niya. Tsk!

"That's a great idea. Get the hell out of my sight b*tch!" Saad ko tsaka na ulit ako bumalik sa pagkakahiga sa kama na 'to.

"You need to apologize for causing such trouble, Lysandria!" Napatingin ang lahat sa president nila ng bigla nalang itong magsalita. This time, he is dead serious at nakakatakot din pala ang isang ito kapag naging seryuso na siya. Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung papaano siya naging president ng paaralan na ito.

"Fine, sorry!" Hindi bukal sa loob na saad ng Lysandria na 'to na hindi ko naman pinansin. Ni hindi ko nga alam kung ano bang kasalanan niya at kung bakit kailangan niya pang mag sorry saakin eh.

"Whatever! Just get lost." Sinamaan niya muna ako ng tingin bago na siya naglaho sa paningin ko. Isa-isa narin namang nagsi-alisan ang ilan pa sa mga miyembro ng supreme students na nandito sa silid.

"Ayos na ba ang lagay mo, Hyrreti?" Napatingin ako kay Demiana ng abutin niya ang kamay ko tsaka niya iyon marahang pinisil. Tumango ako. "Hindi pa ako mamamatay kaya pwedi ba, huwag niyo akong tignan ng ganiyan!" Inirapan ko silang tatlo na siyang ikinabusangot nila.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon