Chapter 1

22.3K 542 68
                                    

CHAPTER 1

CLARA

"Sasama ka sa akin, Carl?" tanong ko kay Carl na prenteng nakaupo sa sofa pagkababa ko galing sa taas. Nag-angat siya at tumango saka mabilis na tumakbo paakyat. Siguro'y magbibihis. Umupo muna ako sa sofa at nagkalikot saglit sa cellphone.

Nang makababa na si Carl ay tumayo na rin ako at nauna nang lumabas. Tumingala ako at napansin ko ang pagdidilim ng langit. Sana huwag umulan.

Medyo matagal na rin kaming hindi nakabisita sa puntod nina Lola at Lolo. Alam kong bukas pa ang undas pero mas mabuti nang maaga kami para hindi siksikan sa loob. Sa ngayon, kami lang ng kapatid ko ang nandito sa bahay. My parents are working abroad tapos 'yong mga grandparents ko naman ay patay ng pareho.

"Ate, may tanong ako," biglang bulalas ni Carl.

"Ano 'yon?" I answered while focusing on the road. Baka mabangga kami kapag hindi ako nag-focus sa pagda-drive.

"Nakakita ka na ba ng multo?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya agad akong napalingon. Pero nang seryoso lang ang kan'yang mukha ay tumawa ako.

"Bakit mo naman natanong?"

He shrugged and averted his eyes outside the window. "Wala lang. Gusto ko lang malaman. I just remember Lola told me before na nakakakita ka raw ng multo." Napatango ako.

Hindi ko na nasagot pa ang tanong niya dahil nakarating na kami sa destinasyon namin--sa sementeryo kung saan nakalibing sina Lola at Lolo.

"Ikaw na magdala nitong bulaklak," utos ko sa kan'ya pagkababa. Nauna naman ako dala ang dalawang box ng hopia. May mangilan-ngilan ding tao na gaya namin, maagang bumisita para makaiwas sa siksikan bukas.

'Yong sa father side ko na Lola at Lolo, nasa probinsiya at 'yong sa mother side ko lang ang nandito na mabibisita namin kapag may pagkakataon. Pero kapag nagpupunta naman kami sa probinsiya, bumibisita rin naman kami sa puntod nila para siyempre kumustahin sila.

Pagkarating namin sa puntod nina Lola at Lolo, napangiti agad ako pagkabasa ng pangalan nilang nakaukit sa lapida.

"Ilapag mo na 'yang mga bulaklak, Carl," utos ko.

Kumuha ako ng dalawang kandila at sinindihan 'yon bago nilapag sa ibabaw ng lapida.

"Kumusta na kayo, 'La at 'Lo? Okay lang naman siguro kayo riyan, 'di ba?" nakangiti kong pagkausap sa kanila. It always feels good talking to them as if they're still alive. They may be are gone on earth, but in my heart--our hearts, they're still alive there. Their presence is so powerful there.

Kinuha ko ang dalang hopia at nilapag din iyon. "Ito nga pala, hopia. Alam kong paborito ninyong dalawa 'to." Tumawa ako. Para na siguro akong baliw rito.

"Miss na miss ko na kayo, 'Lo, 'La," pagsabi ko.

I remember the days. Close na close kasi ako kina Lola at Lolo kaya hindi ko maiwasang hindi maging emotional. Miss na miss ko lang talaga sila.

"Sorry rin kung minsanan na lang kaming makabisita. Huwag kayong mag-alala, kapag may time ulit kami, bibisitahin namin kayo."

Hinaplos ko ang lapida nilang dalawa habang suot ang malawak na ngiti sa labi.

"Mauuna na po kami, 'Lo, 'La. Sa susunod ulit," galak kong paalam at tumayo. Nilingon ko naman si Carl na nakatingin na sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya.

"Kanina ka pa? Tara na?"

Hindi siya sumagot at tumango lang. Bago kami lumisan sa lugar, nilibot ko muna ang kabuuan ng sementeryo. May mga iilang kaluluwa akong nakikita which is normal na sa akin. I mean, sanay na ako kasi halos araw-araw ko rin silang nakikita.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon