Chapter 26

3.7K 182 32
                                    

***

BRIGHT

Naiwan lang ako at nakatingin sa dinaanan ni Clara. Nagtataka ako. Bakit siya umiiyak?

Ilang beses pa akong napaisip hanggang sa nagdesisyon akong sundan siya. Sana maabutan ko pa siya.

Nang makarating sa baba, hinanap ko kaagad siya at nakita ko siya na nakaupo sa isang bench sa hindi kalayuan na umiiyak. Bakit siya umiiyak? Ano ba talaga ang nangyari sa loob kanina? May ginawa ba si Haze sa kanya?

Dahan-dahan kong hinakbang ang paa ko hanggang sa nasa harapan na niya na ako.

"A—Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Gusto kong malaman.

She lifted her head and our eyes met. Mga mata niyang patuloy lang na naglalabas ng luhang puno ng sakit.

"Umalis ka na, Bright," pagtaboy niya sa akin. Napatitig ako sa kanya.

"May ginawa ba sa'yo si Haze?" Hindi ako nagpatinag sa taboy niya.

"Umalis ka na, please! Parang awa mo na! Ayaw kitang makita!" nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

"M—May nagawa ba ako?"

He looked at me intently. "Kung sabihin ko bang i—ikaw ang problema ko, anong gagawin mo?"

Hindi agad ako nakasagot at napalunok na lang. Ako ang problema niya? Ako ang dahilan bakit siya umiiyak? Bakit? May nagawa ba ako?

Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya at nagsimulang humakbang pero huminto rin.

"Huwag mo na akong susundan, B—Bright. Just please... please leave me alone." And she continued walking.

Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na rin pala ako. I wiped it away.

"Huwag mo naman akong iwan na ganito, Clara!" nagsimulang lumakas ang boses ko. Ano? Gano'n na lang? Matapos niyang sabihin na ako ang problema, hindi man lang niya ako sasabihan kung bakit? Gano'n na lang?

"Tell me, may nagawa ba ako? Sabihin mo, aayusin ko! Sabihan mo ako para alam ko. Don't leave me wondering here!" I shouted.

Huminto ulit siya at unti-unting humarap. Hilam ang kanyang mukha ng mga luhang kanina pa bumabagsak.

"You see, w—wala akong ideya kung ano ang nagawa ko. Malalaman ko lang kapag sinabi mo. Don't leave me with unanswered question, Clar.." litanya ko while wiping the tears that continued to stream down.

She wiped her face harshly. "If I tell you to be gone, will you do it? If I tell you to stay away from Haze and leave us alone, will you do it?"

Natanga agad ako at napaawang ang labi ko sa mga tanong na binato niya sa akin. Hindi ko kaagad naproseso ang mga narinig. Napakurap-kurap ako.

She chuckled weakly. "'Di ba hindi ka makasagot? Because you know to yourself that you can't do it! You want to know the reason why I cried? It's because of..." she trailed off and cried hard again.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Naguguluhan ako. Why she wants me to leave them? Why she wants me to be gone? Bakit?

"...you, Bright. Bakit kasi ikaw? Bakit ikaw? Bakit sa huli, ikaw pa rin? Tignan mo nga ang sarili mo! You are a ghost! You are not like me! Pero... bakit ikaw?"

Huminto ako sa pag-iyak at mas lalo lang naguluhan. "A—Anong ibig mong sabihin?"

She stared at me. "Didn't you get it? M—Mahal ka niya..." she was having a hard time uttering it. Na tila parang may bumabara sa lalamunan niya.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now