Chapter 16

4.3K 213 33
                                    

***

CLARA

Pagkapasok sa kwarto ko, agad akong napasandal sa pinto. Mabilis na lumandas ang mga luha sa mata ko. Dumausdos ako paupo at pilit pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pag-agos.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka dumating 'yong araw na iwan ako ni Haze. Na baka dumating 'yong araw na maiiwan akong mag-isa.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kahit wala pa man din. Gusto kong ilayo si Haze kay Bright. Gusto kong ibalik 'yong araw na hindi pa kilala ni Haze si Bright. Gusto kong ibalik 'yong araw na ako at ako lang ang hahanapin ni Haze.

Do I sound selfish? Kasi akin si Haze, e. Akin siya, e. Ayokong mawalay siya sa akin.

Pinunasan ko ulit ang mukha ko at tumayo saka naglakad papunta sa kama ko. Humiga agad ako at tumitig sa kisame.

Muling umagos ang luha sa mata ko at ulit ko ring pinunasan.

Kailangan ko lang isipin na sa akin pa rin si Haze. I have to be strong. Alam kong ako ang pipiliin niya. Alam kong sa akin lang siya babalik. Alam kong ako hanggang sa huli.

**

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan ni Haze habang papunta kami sa university.

Pagkahinto ng sasakyan sa parking, bago pa man siya makalabas, pinigilan ko siya.

"Hindi mo naman siguro ako iiwan, 'di ba?" tanong ko kaagad sa kanya na naging sanhi ng pagkunot ng noo niya.

"Ano bang pinagsasabi mo, Clar? Of course, I won't leave you." His voice softened and then pulled me into a tight hug.

Mahigpit akong yumakap pabalik. My heart is heavy but I just want an assurance from him. "Mahal mo naman ako, 'di ba?"

He stroked my back to keep me comfort. "Oo naman. Mahal kita, Clar. What makes you think na iiwan kita at hindi kita mahal?" Humiwalay ako sa yakap at tinitigan siya sa mga mata.

I smiled and felt relieved. "I love you, too, Haze."

Ngumiti lang ulit siya at ginulo ang buhok ko bago lumabas sa kotse. Sunod naman akong lumabas at sabay kaming naglakad papasok.

"Gusto mo bang ihatid kita?" Haze asked. Tumango ako. Of course. I'd be happy if he'd accompany me to my room.

Pagkarating sa room ay sinalubong kaagad ako ng mga bruha kong mga kaibigan. Aasarin na naman ako nito.

"Sana ol may jowa!" sigaw ni Peir. Umirap ako.

"Bakit hindi mo jowain si Luis para magkajowa ka rin!" sigaw ko pabalik. Napaawang ang bibig niya at umirap.

"No way!"

Gwen just laughed at them.

Humarap ako kay Haze at saka ko siya pinatakan ng halik sa labi bago ako tumakbo papasok sa loob ng classroom na tumatawa.

At least now, panatag ang loob ko na hindi niya ako iiwan. Pagkaupo sa upuan ay tinukso-tukso pa nila ako. Di ko naman sila pinansin.

"Hindi namamansin, huh?"

Natigil naman sila sa pang-iinis ng dumating na si ma'am at agad-agad na nagdiscuss ng kanyang lesson. Dahil bored ako sa klase ay nagdoodle lang ako sa notebook, then suddenly Bright crossed into my mind.

Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa paligid para hanapin siya pero hindi ko siya mahagilap. I sighed. Mamaya ko na lang hahanapin ang tukmol na 'yon.

BRIGHT

Sinundan ko si Haze sa klase nila at pinagmasdan ko lang siya na nakikinig sa discussion ng kanilang professor. Pumapalakpak din ako kapag nagrerecite siya. Ang galing!

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon