Chapter 11

5.1K 244 29
                                    

***

BRIGHT

Nandito kami ngayon sa soccer field, nakaupo sa bench. Habang busy ang dalawa sa pag-aaral, ako naman ay nakatingin lang sa kanila.

Biyernes ngayon at sa mga dumaang mga araw, busy lang sila sa pag-aaral, lalo na si Clara. Hindi niya rin ako nakakausap nang mabuti dahil sa pagiging busy niya sobra. Tapos, huling araw na rin pala ng exam nila ngayon.

Kasama ngayon sa mesa ay ang mga kaibigan ni Clara na seryoso rin na nakadungo sa kani-kanilang handouts at notebook.

Napatingin naman ako kay Haze na nagtagpo na ang mga kilay sa sobrang seryoso. Pumangalumbaba ako at tinitigan siya.

Napabaling naman ako kay Clara na napatingin na kay Haze. Ngumiti siya at hinagod ang kilay ni Haze.

"Ang seryoso mo naman masyado," sabi ni Clara.

Hinalikan lang siya bigla ni Haze sa sentido kaya nagulat siya. Umiwas naman ako at pinaglaruan ang mga kamay ko.

Hanggang sa biglaang tumayo ang isa sa kaibigan ni Clara. "Kain muna kaya tayo? Nagugutom na ako!" reklamo nito. Natawa ako.

Huminto rin ang iba. Sina Haze at Clara ay niligpit din ang mga gamit nila at tumayo na rin.

"Sige kain muna tayo. Nagugutom na rin kasi ako, e," sabi ni Clara.

Sabay-sabay silang lahat sa pag-alis. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanila bago rin sumunod. Lumingon naman si Haze sa likuran at pagkatapos ay bumulong kay Clara. Clara then turned her head and met my eyes.

Tinuro pa niya ako gamit ang labi niya kaya natawa ako. Nagtama naman ang mga mata namin ni Haze. At nakita ko ang pagbuntong niya. Para saan 'yong pagbuntong na 'yon?

HAZE

Pabalik na ako sa mesa dala ang order naming dalawa ni Clara. Habang papalapit, tumatawa lang siya kaya natawa rin ako.

Nilapag ko na ang order nang makarating sa mesa at doon lang siya napahinto sa pagtawa.

Umupo na rin ako sa tabi niya at kinuha ang pagkain ko. Syempre, inayos ko muna ang sa kanya bago ang sa akin.

"Thank you," she mumbled and smiled.

Nagkuwentuhan lang din kami habang kumakain. Ang dami ring baon na kuwento ng mga kaibigan ni Clara.

Tumingin naman ako sa tabi ni Clara sa kanan. Wala akong makita. Kaya bumulong ako kay Clara kung nandito ba si Bright at ang sabi lang niya ay nasa tabi niya.

"Gusto ko tuloy ulit siyang makita," bulong ko.

Para namang nagulat si Clara. "Bakit naman?"

I shrugged. "Wala lang."

Hindi ko rin alam pero gusto kong makita si Bright. There's something in me that is wanting to see him. May kakaiba rin akong naramdaman. Hindi ko alam pero para bang nakaramdam ako ng excitement. Ewan.

"So, you want to try to wear the necklace again?"

Matagal ako bago tumango pero sa totoo lang, oo. Gusto ko ulit na subukan iyon. Hindi ko rin kasi alam kung anong nangyari sa akin no'ng una.

"Ang sweet niyo namang dalawa."

Napalingon ako sa mga kaibigan ni Clara na kanina pa pala nakatingin sa amin. Humalakhak ako. Si Clara naman ay umirap lang.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa soccer field. Pero wala na kaming bakanteng mesa na naabutan kaya nagpasya kaming sa damuhan na lang magpatuloy. Agad naman kaming nagpunta sa ilalim ng punong Acacia.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon