Chapter 9

5K 273 42
                                    

***

BRIGHT

Maghahapon na at hindi pa rin namin mahanap ang impormasyon tungkol sa akin. Nandito kami ngayon sa isang bench. Nagpapahinga.

Kita ko ang pagod sa kanilang mukha. Napabuntong ako. Kung sana lang naalala ko ang lahat. Kung sana lang naaalala ko ang pangalan ko, hindi na sana kami pupunta pa rito at halughugin ang bawat college. Kung sana hindi ko nakalimutan ang tungkol sa buhay ko, hindi sana kami mahihirapan nang ganito.

"Ilang college na lang ang hindi pa natin napupuntahan?" seryosong tanong ni Clara kay Haze.

Napatingin ako sa papel na may mga sulat doon. Minabuti nila na pagsamahin ang mga pangalang magkapareho ng college para mabilis ang paghahanap.

"Dalawang college na lang. College of Arts and Sciences at saka College of Education," tugon ni Haze.

Lumingon sa akin si Clara at ngumiti kaya napangiti rin ako pero tipid lang. Nahihiya rin kasi ako kasi na-hassle ko pa talaga sila sa pagpunta rito.

Tumahimik sila at tila malalim ang pag-iisip hanggang sa magsalita at tumayo si Clara.

"Tara na!" aya niya.

Tumayo na rin ako pero huminto rin ako sa paglalakad at binalingan si Haze na pagod ang mukha at gusto pang maupo. Napasimangot ako. Lumingon ako kay Clara na nakahinto na rin.

"Bilis na Haze para matapos na tayo!" sigaw ni Clara.

"Oo nga, Haze! Bilisan mo!" dagdag ko pa.

Haze stood up and followed Clara. Sumabay naman ako sa paglalakad kay Haze habang nakapamulsa.

Nang makarating kami sa College of Education, deretso na kami sa registrar ng college. Habang busy sila roon, naglakad-lakad ako sa paligid hanggang sa mapadpad ako sa isang garden. Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang paligid.

I stayed there for a while bago ako nagpasyang bumalik baka kasi hinahanap na ako no'ng dalawa.

At tama nga ako, ako na lang ang hinihintay nila.

"Saan ka ba nagpunta Bright?" bungad agad sa akin ni Clara pagkalapit ko.

"Sa may garden lang," sagot ko. Napatingin naman ako kay Haze na nakatingin sa direksiyon ko. I smiled.

"Nasaan si Bright?" tanong niya.

Tinuro naman ako ni Clara. Tinantiya ni Haze ang tingin niya sa hangin. Ngayon, nakatitig na siya sa akin.

"Huwag kang aalis sa tabi namin, Bright, okay?" pag-utos nya.

Tumango ako at ngumiti.

Naglakad na kami paalis sa college para puntahan na ang huli. Tumabi ako kay Clara.

"May nakuha ba kayo?" tanong ko.

Clara looked at me tiredly and then shook her head. "Wala. Sana dito sa huling pupuntahan natin, makakuha na tayo ng impormasyon tungkol sa'yo."

Hindi ako sumagot at tumango na lang. Naglakad-lakad lang kami hanggang sa mapahinto kami sa gate ng huling college na papasukin namin.

Bago sila naglakad papasok ay rinig ko ang pagsinghap nilang dalawa bago hinakbang ang mga paa. Kung wala talaga kaming makuhang kahit anong impormasyon, sayang lang talaga ang oras na ginugol namin.

When I entered the college, nakaramdam kaagad ako ng kakaibang pakiramdam.

Sa hallway pa lang, parang may pilit na bumabalik sa isipan ko. Huminto ako at umiling-iling.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now