Chapter 15

4.6K 213 9
                                    

***

BRIGHT

Kararating lang namin ni Clara sa bahay nina Haze. Inimbita kasi ni Haze si Clara para sa kaunting salu-salo dahil birthday niya.

Nakaupo kami ngayon sa sofa at naghihintay kay Haze na nasa taas. Nilibot ko ang tingin sa loob ng bahay. Malaki ang bahay nila at moderno ang disenyo nito.

Tumayo ako at nagpasyang maglibut-libot muna. Lumabas ako ng bahay nila at patingin-tingin lang ako sa paligid hanggang sa mapadpad ako sa hardinan.

Napangiti ako at napatitig sa malinis nilang hardin. Tinitignan ko pa lang pero parang ang sarap ng higaan.

Habang nakatingin sa hardinan, may napansin akong malaking puno sa pinakadulo at nang tumingin ako sa itaas at nakita ko na may tree house.

Hindi ko alam na may tree house pala sina Haze.

Dinala ko ang sarili paakyat doon at nang matignan ko ang loob, napangiti ako. Sobrang cute ng loob ng tree house. May mga unan at kumot sa loob. Baka dito rin natutulog minsan si Haze.

Binuksan ko naman ang isang bintana at dumungaw sa baba. Sa pagdungaw ko naman sa baba, bigla akong nalungkot.

Umalis ako sa pagkakadungaw at sumandal ako sa pader at napabuntong.

Naisip ko lang kasi kung hindi kaagad ako maagang nawala, marami pa siguro akong nagagawa ngayon. Alam ko naman na magagawa ko pa iyon ngayon, pero iba kasi 'yong buhay ka pa. Iba kasi 'yong humihinga ka. Nakikita ng mga tao. Nang mga mahal mo sa buhay na masaya. Na inaabot ang pangarap sa buhay.

Napangiti ako nang mapait. Tapos, hindi ko pa pala kilala ang totoo kong mga magulang. Sa mga nagdaang araw, pinagnilayan ko ang mga nalaman. Syempre, masakit para sa akin, masakit sa akin na malaman ang katotohanang iyon na nasa ganitong kalagayan ko. Isang kaluluwa.

Hindi ko man lang nalaman no'ng buhay pa ako para man lang makita at makausap ko sila. Para man lang kahit namatay ako, hindi ganitong ang daming bumabagabag sa akin. Pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat ng nangyari. Wala akong magagawa kung talagang sa ganitong kalagayan ko pa malalaman ang lahat. Maybe it's meant to happen this way.

Nagpasya na rin akong bumaba at bumalik sa loob. Hindi ko naabutan si Clara sa sala. May naririnig naman akong ingay na nagmumula sa kusina kaya tumungo ako roon at nadatnan ko sila na kumakain.

"Magtu-two years na rin pala kayo, Clara, ano?" tanong ng isang ginang kay Clara. Clara smiled and looked at Haze who was also smiling.

Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanila na kumakain. 'Yong ginang kanina na nagtanong ay sa tingin ko'y Mommy ni Haze at ang katabi naman nito ay sa tingin ko'y Daddy niya.

"Ikaw Haze, just remember my words. Kung maaari, ingatan mo si Clara. Gaya ko sa Mommy mo," pagsabi ng kanyang Daddy na tumatawa.

"Sus! Huwag mo nga akong paandaran ng mga banat mo!" sagot ng Mommy ni Haze.

"Dad naman! Alam ko naman 'yan. And I'm doing everything for Clara to be happy," sagot naman ni Haze na nakangiti.

Humalukipkip ako.

Napansin ko naman ang nababagabag na mukha ni Clara na alam kong hindi niya pinapahalata. May problema kaya siya?

Sa biyahe papunta rito kanina, napansin ko na siya na tahimik which is unusual for her. Tatanungin ko na lang siya mamaya.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na rin si Haze sa kanila.

"Mag-ingat sa pagdadrive, Haze," bilin ng Mommy niya. Tumango naman si Haze.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now