Chapter 23

3.8K 181 9
                                    

***

CLARA

Late na akong nagising dahil mga five am na rin akong nakatulog kanina. Tahimik akong bumangon at deretso agad sa banyo para makaligo na.

Dumaan muna rin ako ng palengke para bumili ng prutas para dalhin.

Nang mahinto ang taxi na sinakyan sa labas ng hospital, mabilis kong inabot ang pamasahe bago ako naglakad papasok sa entrance.

Naalala ko naman bigla ang tatlo. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Sinalubong agad ako nang mga texts at missed call galing kay Peir at Gwen. Halos sa kanilang dalawa. Mga dalawa lang ata ang text ni Luis tas isang missed call.

Bumuntong ako at pumasok na sa elevator pagkabukas nito. Pagkarating sa floor kung saan ang kwarto ni Haze, naisip ko naman ang tatlo so, I dialed Gwen's number.

"At bakit ngayon ka lang tumawag, huh?! Wala ka bang balak pumasok?!"  Nailayo ko agad ang cellphone sa lakas ng sigaw ni Gwen.

Umupo ako sa bench sa labas ng kwarto ni Haze.

Sumandal ako at biglang sumagi sa isipan ko kung nasaan ako ngayon. Tumingala ako para pigilan ang sarili na umiyak na naman.

Kahit ngayong araw lang, ayoko na munang umiyak. Nakakapagod na kasi, e. I sighed heavily.

"Dalaw kayo rito sa hospital," pagsabi ko, nakangiti.

"Hospital?! Anong nangyari sa'yo? May masama bang nangyari sa 'yo?" histeryang tanong ni Gwen.

Ngumuso ako at pinigilan ang sariling matawa.

"Sinong nasa hospital? Si Clara? Bakit?" rinig kong tanong ni Peir kay Gwen. Napangiti ako.

"Si Clara nasa hospital?! Bakit?!" si Luis.

"Teka nga lang! Ang ingay niyo!" natawa na ako sa kanila. Na-miss ko ang ganitong pakiramdam. Na masaya lang. Na-miss ko rin ang tatlo.

"Punta kayo mayang uwian. Text ko na lang ang pangalan ng hospital. Alam niyo naman siguro ang address nito. Sige na, ibababa ko na," sabi ko at binaba na ang tawag.

Muli akong bumuntong at tumayo na para pumasok sa kwarto. Nadatnan ko naman si Tita na inaayos ang kumot ni Haze.

"Good morning, Tita," I greeted her. Nilapag ko sa maliit na mesa sa harap ng sofa ang dalang prutas.

Halata pa ang pagiging malungkot ni Tita pero tinago niya lang sa pamamagitan ng pagngiti niya. Syempre, alam kong mas mahirap ito para kay Tita. Kasi anak niya, e. Tapos, it's the second time na naaksidente si Haze. Buti at hindi ganoon ka-seryoso ang nangyari sa kanya ngayon.

Naglakad siya papunta sa sofa at tahimik na umupo. Pansin ko namang wala si Tito.

"Si Tito pala, Tita?"

Lumingon siya. "Nasa trabaho. Pero dito 'yon dederetso mamaya. Ikaw? Ba't hindi ka pumasok?"

Tipid akong ngumiti. "'Tsaka na siguro ako papasok kapag okay na si Haze. Hindi rin naman ako makakapagconcentrate, e."

Tita sighed. "Siya. Kung 'yan ang gusto mo. Pero next week, dapat pumasok ka na. O baka sa makalawa. We don't know yet when will Haze wake up. Huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo. Magagalit si Haze niyan sa'yo," pangaral ni Tita sa akin. Ngumiti lang ulit ako at tumango.

Lumapit ako sa kama ni Haze. Umupo ako sa upuan sa tabi at kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko iyon.

"Kumusta ka na? Hinihintay ka na namin na magising." I caressed his hands while wearing my smile.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now