Chapter 2

11K 382 34
                                    

***

CLARA

Nakatayo ako sa labas ng bahay namin sa tabi ng gate habang naghihintay kay Haze. Sinusundo niya kasi ako araw-araw para sabay kami sa pagpasok. Nagsimula ito no'ng maging official kami. No'ng una ayaw ko pa pero hinayaan ko rin siya kalaunan. Nilingon ko si Bright na nakatingin lang sa hindi kalayuan. Natawa ako sa biglang naisip. Para kasi siyang nagsesenti sa lagay na 'yan.

Ang kapatid ko naman ay busy masyado sa paglalaro ng cellphone niya. Napailing-iling ako. Binalik ko sa kalsada ang tingin at sakto namang nakita ko na ang sasakyan ni Haze na papalapit na sa pw'esto namin. Agad akong napangiti.

Si Haze, he's quite different sa mga naging ex-boyfriend ko. He's not possessive as what others are to their girlfriend. Hindi rin siya clingy. Hindi rin siya madaling magselos. Parang ang mature niya talaga. Marunong siyang umintindi and with our relationship, I'm super fine with it. Chill lang kami.

Pagkababa niya sa kotse ay binati ko agad siya at pinatakan ng halik sa pisngi niya saka ako mabilis na pumasok sa kotse. Pumasok naman rin si Carl sa backseat. Napabaling naman ako kay Bright na ngayon ay nakatingin kay Haze habang suot ang lukot na mukha. Napaano 'yon?Nagkibit na lang ako at saka bumaling kay Haze na kapapasok lang.

"Para kang poste." Tumawa ako. Para kasi siyang tuod na natigilan kanina sa ginawa kong paghalik parang hindi na nasanay.

Napaaray ako nang maramdaman ko ang pitik ng daliri niyang dumapo sa noo ko. Napahimas ako roon.

"Ginugulat mo kasi ako sa pahalik pisngi mo," sabi niya habang natatawa. I smiled teasingly at saka ako nagtaas-baba ng kilay.

"Baka matumba ka kung lips mo na ang hinalikan ko," biro ko pa. Lalo lang akong natawa nang makita ang pula na niyang pisngi dulot ng hiya na hindi maitago ng mukha niya. Napailing siya at nilipat na sa harapan ang mga mata at pinaandar na ang sasakyan.

Lumingon ako sa likuran para sana tignan kung sumama si Bright pero nang wala siya roon ay nilipat ang tingin ko sa labas at nandoon lang siya nakatayo at seryoso pa rin ang mukha. Napa'no kaya 'yon?

"Ano tinitignan mo?" Mabilis akong napalingon kay Haze at ngumiti at saka umiling. "Wala," sagot ko. He nodded and finally got himself focused on the road.

***

When our professor dismissed us, nauna agad akong tumayo para sana lumabas na pero nahinto rin ako nang tawagin ako ni Gwen. Nakanguso akong humarap sa kanya. Kasama niya si Luis at Peir.

Inismiran niya ako. "Aalis ka na naman? Bruha ka, may gagawin pa tayong project. Saka ka na muna lumandi kapag natapos natin 'tong gagawin natin," sabi niya. Umirap ako. Pero wala rin akong nagawa kun'di ang mapatango at mapabuntong na lang.

Napailing na lang din si Luis at Peir.

Nagpasya sila na doon na lang malapit sa soccer field kami mag-discuss sa project na gagawin namin. May mga benches at mesa kasi roon, tambayan kumbaga. Pagkarating doon, kan'ya-kan'yang kuha na agad sila ng papel at agad sumeryoso ang mga mukha. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nag-send muna ako ng message kay Haze na hindi ako makakasama sa kanya sa lunch dahil may gagawin pa ako.

"Luis, bili ka muna ng lunch natin at dito na lang tayo kumain," si Gwen.

Matapos ang sinabi ay tumingin siya sa amin ni Peir. "Kay Luis niyo na ibigay ang bayad niyo at sa kung ano ang ipapabili niyong pagkain," sambit niya. Grabe talaga 'to makautos 'tong babaitang 'to. Mabilis ko namang sinabi kay Luis ang ipabibili ko sabay abot sa bayad. 

Nang makaalis si Luis ay nagfocus na rin ako sa gagawin. Binuksan ko ang binigay sa akin ni Gwen na sa tingin ko ay notes para sa gagawin naming maikling research paper.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now