Chapter 5

6.5K 277 43
                                    

***
CLARA

Kagigising ko lang at nandito ako ngayon sa veranda. Nagtext si Haze at susunduin niya ako mamayang 9 am. Alas syete pa lang kasi. Pumasok ulit ako sa loob at saka bumalik sa paghiga.

Kinuha ko ang isang unan at niyakap iyon habang nakatitig sa kisame. Ang tahimik ng kwarto. Bumangon ako at sinuyod ang buong kwarto.

Parang naninibago ako bigla na walang ibang tao maliban sa akin sa silid na ito.

Humiga ulit ako. Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Bright? Ilang araw na rin ang nakakalipas simula no'ng umalis siya. Hindi ako sanay. Ewan.

Kahit na kaunting panahon lang kami nagkasama, it felt like it was months already.

Bumangon ulit ako at napailing saka lumabas ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko naman si Carl na nakatihaya sa sofa habang tutok sa kanyang cellphone.

Dumeretso ako sa kusina at saka naghanda ng pang-agahan. Nagluto lang ako ng itlog saka bacon at hotdog na rin. Pagkaluto ko no'n ay tinawag ko na si Carl para makakain na kami.

Habang kumakain, napabaling ako sa kapatid ko. Nilapag ko ang kutsara't tinidor.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ko.

Nag-angat siya at saka ngumiti. "Okay lang naman, Ate. I'm doing well naman," sagot niya at sumubo ng pagkain.

"Mag-aral nang mabuti, Carl, huh. Huwag puro cellphone, okay? At saka, baka may jowa ka na niyan," saad ko at pinaningkitan siya.

Mabilis siyang umiling. "Wala 'no!"

Sus! Ang defensive masyado ng isang 'to. Umiling na lang ako at tinapos na rin ang pag-kain.

Matapos kong makapaghugas ng pinagkainan ay bumalik na ako sa kwarto at agad kong tinignan ang cellphone ko para tignan kung may bagong text galing kay Haze kaso wala.

Humiga na lang ulit ako sa kama at nag-scroll lang sa facebook. Nang ma-bored ay ako na mismo ang tumawag kay Haze. Alas syete kuwarenta pa rin kasi. Mga 8 am ay maghahanda na rin ako.

"Hi," bungad ko sa kanya sa linya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Napatawag ka?" tanong niya.

Ngumuso ako."Bored na bored na ako rito sa bahay."

"Bored ka, e, ang aga-aga pa naman? Maghanda ka na lang kaya para may mapagkaabalahan ka," suhestiyon niya.

I tapped the pillow beside me while listening to him. Bumuntong ako. "Miss na kita..."

Hindi ko narinig ang sagot pero naiisip ko ang mukha niya ngayon na nakangiti rin. Miss niya rin ako niyan. Minsan, ayaw lang talaga umamin ng isang 'yan.

"Magkikita pa tayo mamaya, Clar." Tumawa siya.

"E, sa miss kita, e," giit ko naman.

Gusto pa ata niyang makipag-away sa akin, e. I heard him sigh.

"Oh, siya, sige na. Miss mo na ako. Basta kita na lang tayo mamaya." The last thing he said before the line ended.

Nilapag ko sa bedside table ang cellphone ko at kumuha ng tuwalya at deretso na sa banyo para makaligo na.

*

Nasa labas na ako ng bahay at hinihintay ko na lang si Haze na dumating. Malapit naman na raw siya.

Habang naghihintay, pinagmamasdan ko ang paligid. Bigla ko namang naalala ulit si Bright. I shook my head and think of something else.

Nang makita ko na ang kotse ni Haze, napangiti ako. Pagkahinto ng sasakyan at pagkalabas niya roon ay agad ko siyang niyakap nang sobrang higpit.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon