Chapter 14

4.5K 215 24
                                    

***

HAZE

Tahimik lang kami buong biyahe pag-uwi. Hindi rin ako kumikibo. Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko.

I sighed profoundly.

"Is Bright okay?" tanong ko makalipas ang matagal na katahimikan. I just wanna know if he's okay.

Kita sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Clara sa likuran. "He's fine, I guess."

"Nasaan siya?" sunod kong tanong.

"Nakatingin sa labas ng bintana. He's at the left side," simpleng tugon ni Clara. I nodded my head and didn't talk anymore hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Clara.

Bumuntong agad ako pagkahinto ng sasakyan. Pagod akong sumandal at napasuklay ng buhok.

Clara got out of the car. Mayamaya pa ay sumunod din ako sa paglabas at tahimik na sumunod sa kanya papasok ng bahay.

Pagkaupo ko sa sofa ay ipinikit ko kaagad ang mga mata ko. "Kelan natin kakausapin ang Kuya ni Bright? Na sa'yo naman ang contact, 'di ba?" I asked.

"Oo. Nasa akin ang contact."

"Si Bright?" pag-iba ko ng tanong. Alam kong hindi siya magiging okay sa mga nalaman. It would be too much for him, I guess. It's so unfortunate for him to know this revelation at this point of time. Pero siguro, parte ito na dapat tanggapin ni Bright for him to finally be at peace.

"Wala rito. Baka nasa hardin sa likuran. He's sad. Halata naman sa mga nalaman niya. Siguro, hayaan muna natin," sagot niya. Itinango ko ang ulo ko.

Tumahimik saglit hanggang magtanong ulit si Clara. This time, it's about me.

"'Yong nangyari kanina, 'yong mga nakita mo. Is it the same no'ng una kang nahimatay?" Clara asked. There's a bit of sudden fear in her voice when she asked me about it. Hindi ko na lang din pinansin.

"Oo. Just the same."

Minulat ko ang mga mata ko para tignan siya na tumatango.

"Just like what I've said, ask your parents about it. Just ask them. And also, sa makalawa na pala ang birthday mo. Any plans?"

Shoot! Malapit na rin pala ang birthday ko. Pero sa ngayon, wala pa akong naisip na plano.

I glanced at the wall clock. Alas diyes na ng gabi.

"Wala pa akong naiisip na plano. Pero siguro baka small celebration lang. And by the way, 'yong suggestion mo about me asking my parents, I'll go ask them for sure. Sana lang may makuha akong sagot," sabi ko and she nodded.

"Mabuti 'yan..." she trailed off. "Pero Haze, did you notice how Bright's mother look at you? Parang kilala ka niya."

Napahinto ako at naisip 'yong Mama ni Bright. Nawala sa isipan ko. Oo nga pala, isa pa pala 'yon. Ang gulo na talaga ng lahat.

"Napansin ko 'yan pero hindi ko na lang masyadong inisip kasi ang dami ng tumatakbo sa isipan ko," I said.

She sighed.

"Sige na. Uuwi na ako. Kita na lang tayo bukas," sabi ko at tumayo na.

Hinatid niya naman ako sa labas. Before I get inside the car, she bid me with a kiss on the cheek.

"Pakikumusta mo na lang ako kay Bright," pahabol ko pa bago pumasok sa loob ng kotse. Tumango naman siya at kumaway sa akin.

On my way home, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nangyari. Bright's knowing a revelation and me seeing things na mas lalo lang pinapagulo ang sarili ko.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now