Chapter 19

3.9K 202 20
                                    

***

BRIGHT

Papunta na kami ngayon sa address na binigay ni Kuya Landon. Malungkot naman ako lalo na no'ng marinig ko si Kuya at makitang naiyak.

Mahigpit akong napasalikop sa kamay ko. Hindi ko pa sila nakikita. I wonder if how will they look like?

Kamukha kaya nila ako? Excited ako na kinakabahan. Finally, makikita ko na rin ang mga totoo kong magulang for a long time.

Malapit na ring matapos ang lahat ng ito. All of these are finally coming to an end. Siguro, matatahimik na rin ako. Pero, nalulungkot ako kasi sa totoo lang, ayoko pa talagang umalis. Ayoko pa silang iwan. Sana, bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na manatili rito sa lupa.

Hayst. Bakit ko ba iniisip ang pag-alis ko? Hindi ko na muna siguro 'yan iisipin sa ngayon. I should think of the now. Iyon ang mahalaga.

"Okay ka lang Bright?" Napatingin ako kay Clara.

Ngumiti ako at tumango. Tumingin naman ako sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanang mga bahay at mga puno.

I busied myself with the surrounding hanggang sa tuluyan ng huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanila.

"Did we arrive already to the place?"

Haze got out of the car. "Oo, kaya lumabas kana diyan."

Mabilis agad akong tumalima at lumabas na rin. Pinagmasdan ko ang paligid. Tahimik.

Nagsimula ng maglakad si Clara at sumunod sa kanya si Haze. Sumunod din ako hanggang sa may isang babae na dumaan kaya nagtanong sila sa kanya at nang masagot ng babae ay tuluy-tuloy na ang kanilang lakad.

Palapit kami nang palapit, mas lalo lang naman akong hindi mapakali. Ilang ulit ang ginawa kong paglunok. Hindi rin mapirmi ang mga kamay ko. Bumuntonghininga ako.

They stopped in front of a rusty gate. Behind the rusty gate is an old house.

"Ito na yata?" sambit ni Haze, not quite sure.

Tumango si Clara. "Oo. Ito na nga siguro."

Tinignan ko ang loob ng bahay. It screams oldness. Parang walang nakatira sa loob. Sure bang dito nakatira ang mga magulang ko?

Clara pressed the doorbell thrice before stepping back and wait for someone to open the gate.

"Sino yan?" sigaw ng isang babae. Base sa boses, mga nasa mid-40's na ito.

The gate creaked and opened. Tumambad sa amin ang isang ginang. Siya kaya ang Mama ko?

"Kayo po ba ang nakatira dito?" Clara asked.

The lady smiled and invited them inside. "Pasok muna kayo."

Tahimik na sumunod sina Clara at Haze. Palinga-linga naman ako sa paligid. The surrounding feels so dull. Talaga bang dito nakatira ang totoo kong mga magulang?

"Ako ang namamahala sa bahay na ito," the lady told us. Tinapik ng ginang ang sofa at pinaupo sila habang siya ay umupo sa kaharap nitong pang-isahang taong sofa.

"Namamahala?" nagtaka si Clara.

The lady smiled. "Yes. Wala na kasi ang nagmamay-ari ng bahay." The lady wandered around the house.

Hindi ko kaagad naproseso ang narinig at napakurap ako. Anong ibig niyang sabihin na wala na?

"P-Paanong wala na ang nagmamay-ari?"

Si Haze ay tahimik lang at nakikinig lang sa pag-uusap ng ginang at ni Clara.

"The owner of this house died already three years ago..."

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon