Chapter 6

5.8K 309 52
                                    

***
CLARA

Isang linggo na ang nakalilipas at sa mga nagdaang araw, bangag ako at hindi mapakali. Linggo ngayon at kagigising ko lang pero maraming bagay na agad ang tumatakbo sa isipan ko.

Napasuklay ako sa buhok ko. Why is Bright making me like this? Naiinis ako dahil lagi ko siyang naiisip. Matapos no'ng date namin ni Haze, hindi na ako matahimik. Lagi siyang pumapasok sa isipan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Oh baka siguro dahil naguiguilty ako? Ewan.

Binaling ko ang pansin ko sa bedside at agad kong kinuha ang nakalapag kong cellphone roon. Mabilis ko agad na hinagilap ang number ni Haze. I need to call him.

Alam kong sobrang aga pa lang pero wala na akong pakialam.

Pagkasagot niya sa tawag ay agad akong nagsalita.

"Samahan mo ako mamaya."

"Aga-aga mo namang napatawag, Clar. Pero bakit ka napatawag?" tugon niya.

Pabagsak na inihiga ko ang katawan sa kama at tumitig sa kisame. Gusto kong bisitahin si Bright para naman kahit papaano ay maibsan 'tong masyado kong pag-iisip sa kanya at kahit papaano rin ay maibsan 'tong gulity kong nararamdaman.

"Basta samahan mo ako. Punta ka mga 8 am dito sa bahay. Dito ka na rin kumain," sabi ko.

"Oo na. Pero saan ba tayo pupunta?"

Bumuntong ako. "Sa sementeryo." Hindi ko na siya pinasagot at binaba ko na kaagad ang tawag at napabuntong.

Tinignan ko ang orasan at alas sais pa lang ng umaga. Ang aga ko ngang tumawag. Umiling na lang ako at nagpasyang umidlip.

*

"Nasaan ang Ate mo?" rinig kong tanong ni Haze kay Carl. Pababa na ako ng hagdan at nakikipag-usap lang si Haze kay Carl.

Nang mapansin ako ni Haze ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at deretso na sa kusina para makapagluto na ng agahan.

Umingay ang upuan nang umupo siya habang ako naman ay busy lang sa paghahanda ng lulutuin ko.

"Pinatayan mo ako ng tawag kanina. At ano 'yong sabi mo na sementeryo?" he inquired, curious of what I've said earlier.

Nilingon ko siya.

"Sa sementeryo tayo pupunta," inulit kong sinabi.

"Para saan?"

Tumigil ako sa ginagawa at tuluyan siyang hinarap. "Maya ka na magtanong. Basta doon tayo pupunta. Malalaman mo rin kung bakit." Ang sabi ko lang at binalik na ang atensiyon sa hinahanda. Hindi na rin siya sumagot pa at nanatiling tahimik.

Habang nagluluto ako, nakapangalumbaba lang siya habang sunud-sunuran sa galaw ko. Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya?

Nang sa wakas ay maluto na ang mga pagkain, inutusan ko siyang tawagin si Carl sa sala.

Hinanda ko na rin ang mga kubyertos sa mesa. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko nang mamasdan ang mga niluto ko.

Nang makaupo na sila ay kumain na rin kami. Pinagmasdan ko pa saglit si Carl na subo lang nang subo ng pagkain. Napagawi naman ako kay Haze na nakatingin din kay Carl na walang pakialam. Natawa ako.

"Kumain ka na rin kasi may pupuntahan pa tayo. At saka, heto, ulam. Wala ka pang ulam sa plato mo." Ako na ang naglagay ng ulam sa plato niya dahil wala pa siyang nalalagay na ulam doon.

Nang magtama ang mga mata namin, nginisian niya ako.

"Bakit?" tinaasan ko siya ng kilay.

Nagkibit siya. "Wala lang. Mukhang handa ka na kasing maging misis sa lagay na yan."

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now