Epilogue

7.7K 278 96
                                    

***

3 years after...

HAZE

"Tapos ka na ba diyan, Clar?" tanong ko sa kanya na nagluluto. Ngayon, naghahanda kami. 'Yang niluluto na lang na pasta ang kulang at aalis na kami.

"Wait lang, Haze! Baka masunog 'to!" tawa-tawang sagot ni Clara. Napailing na lang ako. When she's finally done, nilapag na rin niya iyon sa mesa at kumuha ng lalagyan saka iyon nitransfer doon.

Today's a special day for me. A special day to celebrate. That's why I want everything to be perfect.

"Ayan!"

Nang matapos na si Clara ay sinenyasan ko na rin siya para makaalis na kami.

"Ingat kayo sa biyahe, Haze! Pakikumusta na lang ako kay Bright!" sigaw ni Mommy. Ngumiti lang ako. "No problem, Mom. Sige na, we'll go ahead."

Pagkalabas ay nilagay na rin namin sa backseat ang mga dadalhin namin. From flowers to the food to the mat and all.

Napangiti akong napatitig sa mga dinala ko. Umikot na rin ako sa driver's seat at saka pumasok. Tumingin ako kay Clara na kakapasok lang sa shotgun.

She smiled at me and nodded her head. Kaya ayon, nagsimula na akong magmaneho. Syempre, nakangiti. Parang ayaw na ngang mawala ng ngiti sa labi ko, e.

Today is Bright's birthday at nagpasya ako na roon i-celebrate sa puntod ni Bright ang kanyang birthday.

Buong araw siguro kaming tatambay doon. Miss na miss ko na 'yong isang 'yon. Although, once a week naman akong bumibisita, pero namimiss ko pa rin siya.

Naalala ko na sobrang hirap na hirap akong tanggapin ang nangyari. It was not easy. Ang hirap tanggapin na gigising ka sa araw-araw na wala na ang taong sobra-sobra mong mahal and you will be used to waking up without someone by your side.

Clara and I are friends still. Siya 'yong nanatili sa buhay ko for the next two succeeding years. Okay naman kami. Pero no'ng una, syempre, alam kong mahirap sa kanya. Mahal niya ako. And I'm excited for it to turn into minahal niya ako. Kasi, that is better if you'll ask me. Pero I know, it's not easy and it takes time.

Gusto ko ring maging masaya siya. Things have changed really. Sa mga nangyayari kaya it's hard for me na isiping pwede pang maging kami.

Pagkahinto ng kotse, nauna agad ako na lumabas at binuksan ang backseat para kunin ang mga dadalhin namin.

Umikot naman si Clara para matulungan ako. Binigay ko sa kanya ang ibang dadalhin at saka ko siya nginitian at nauna ng maglakad.

Pagkarating sa puntod ni Bright, masaya ako. Napansin ko namang may bagong bulaklak na nakapatong sa puntod niya. Binisita siguro siya ng mga magulang niya. I mean, 'yong tinuturing niyang magulang mula pagkabata.

Masaya rin akong makita na narenovate na ang puntod ni Bright. At ngayon, kumpleto na ang pangalan niya. May Birthdate at Date of death na rin.

Nilapag ko muna sa tabi ang dala at kinuha ang mat saka iyon nilatag sa harap ng puntod niya. Matapos ay umupo na ako. Sa kabila ay umupo naman si Clara na kanina pa tahimik.

Hinaplos ko ang puntod niya at malapad na ngumiti. "Happy birthday, Bright.." I whispered.

"It has been three years since you left me again pero sa puso ko, ikaw at ikaw pa rin Bright," I mumbled, so happily.

Mahirap lumimot. At siguro, wala pa sa bokabularyo ko ang lumimot. Ang kalimutan siya sa ngayon pero I know darating ang panahon that I should bury all the feelings and let him be a memories forever. A bittersweet memories of me.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon