Chapter 4 ※

7.4K 317 35
                                    

***

CLARA

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising kaya ang nangyari ay na-late ako sa first subject ko kaya sa second subject na ako nakapasok.

Hindi na rin ako nasundo ni Haze dahil may quiz pa sila sabi niya sa tawag sa akin kagabi.

"Ba't ka ba na-late kanina?" Peir inquired habang may hawak na C2 at burger.

Naalala ko naman ang ginawa ko kagabi. I slept around 4 am in the morning. Nag-iisip kasi ako tungkol kay Bright. I'm still hesitant if gagamitin ko ba 'yong mga kagamitan ni Lola. Natatakot kasi ako baka may mangyaring hindi maganda kapag ginamit ko ang mga iyon.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Naalala ko lang din 'yong bilin ni Lola na huwag na ko raw itong gagalawin na hindi ko alam kung bakit.

"Oo nga, Clar. Late ka natulog kagabi?" si Luis.

I nodded and sipped on my shake. Thirty minutes break namin kaya nag-snack muna kami sa canteen.

Si Bright naman, nagpasyang magpaiwan sa bahay. Gusto niya raw mapag-isa at ang sabi pa niya, susubukan niyang alalahanin ang mga memoryang nakalimutan niya.

"Ay sus! Kausap lang niyan boyfriend niya magdamag," singit ni Gwen. Bahagya akong natawa at hindi ko na siya sinita sa iniisip. Bahala sila kung anong isipin nila. Kesa naman na sabihin kong nag-iisip ako kung paano ko tutulungan si Bright. I know they will ask me about Bright. At anong isasagot ko sa tanong? Na isang kaluluwa si Bright na binabalak kong tulungan?

Pagkatapos naming makapag-snack ay pumunta na kami sa aming susunod na subject.

"May quiz daw si ma'am ngayon," sabi ni Peir.

Nilingon ko siya. "Okay lang 'yan. Zip grade naman gagamitin no'n sa quiz, so makakasagot tayo. P'wera na lang kung identification na sa tingin ko ay mahihirapan talaga tayo," saad ko, natatawa.

Pinalo ako ni Peir. "Sus! Nakapag-aral ka lang, e. Baka nag-aral ka magdamag kagabi kaya ka late?"

Umiling agad ako. "Hindi no. Ngayon ko nga lang nalaman na may quiz, e."

Pumasok na kaagad kami sa room at humanap ng mauupuan. When our prof arrived, nagdistribute agad ito ng questionnaire at answer sheet. Excited naman ni ma'am masyado.

Mabilis ko lang na nasagutan ang quiz kasi na-discuss din naman na niya iyon kaya ako agad ang naunang matapos at agad kong dinala ang sarili sa labas. Pumunta muna rin ako ng banyo para makapagsalamin dahil sa tingin ko ang haggard na ng mukha ko.

Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako. Nag-text din ako kay Haze kung saan kami magkikita dahil pa-lunch time na rin.

Nagtext lang ako sa tatlo na mauuna na ako nang matanggap ko ang reply ni Haze na sa dating gawi lang daw kami.

Pagkarating ko roon, kaunti pa lang ang tao. 11 am pa lang kasi. Mga 11:30 or 12 ay punuan na 'tong karenderya na 'to. Dito kami madalas kumakain ni Haze. Simple lang at malaki-laki rin ang espasyo na tinitirikan ng karenderya. Ilang lakad lang din ito mula sa university.

Habang naghihintay ako kay Haze, nagkalikot lang ako sa cellphone ko. Naisip ko naman si Bright. Ano na kaya ginagawa no'ng isang 'yon ngayon?

"Hey!"

Napalingon at napatayo ako at saka ngumiti. Pinatakan ko rin siya ng halik ang pisngi bago kami sabay na umupo.

"Order muna ako," sabi niya sabay turo sa counter. Tumango lang ako at pumangalumbaba at nakabantay lang ang mga mata ko sa kanya na kausap ang may-ari na siyang nagseserve ng mga order.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon