Chapter 20

3.9K 207 8
                                    

***

CLARA

Malalim ang iniisip ko habang pauwi na kami. Hindi ako nagsalita at sa labas lang din ng bintana ang pansin ko.

Haze was also busy looking at the road. Dumako naman ako sa rearview pero napataas lang ang kilay ko nang hindi ko makita si Bright.

Nakaramdam kaagad ako ng kaba.

Unti-unti kong ginawi ang ulo ko para sana tignan siya sa likod pero walang Bright akong nadatnan. Nasaan na 'yon? Sinuyod ko ang buong backseat but there's no sign of Bright there.

Dumako ako kay Haze.

"W—Wala si Bright..." sambit ko, kinakabahan.

Haze gazed up his eyes at the rearview. Napahawak kaagad ako nang mahigpit sa gilid sa biglaan niyang pagpreno. He looked immediately at the back to confirm what I said.

"Bright?" tawag niya.

No one answered.

"Bright?!" this time, mas nilakasan pa niya ang pagtawag. Pero wala pa ring Bright na lumitaw.

Nagulantang ako nang malakas na pinalo ni Haze ang manibela. Napakurap-kurap ako.

Nang lumingon si Haze, napansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Napatitig ako sa kanya. Kita sa mukha niya ang sakit at pagsisisi habang ako ay naguguluhan. Mabigat din ang loob ko sa nangyari kay Bright at mas lalo lang bumigat nang makita ko ang mukha ni Haze na nasasaktan. Pero iba ang kay Bright. Nakikita kong mas nasasaktan siya.

Padabog siyang lumabas. Naiwan akong nakapirmi sa upuan, nakasunod ang mga mata sa kanya. He opened the back seat.

"Bright? Nandito ka ba? Are you playing with us? Bright naman, e!"

Umabot pa si Haze sa likuran at tinawag lang niya nang tinawag si Bright. Ako, hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa iniakto niya.

Pinunasan ko kaagad ang mata ko nang magsimula ng mamasa. I shouldn't cry. I should also be strong, right? Pero nasasaktan kasi ako sa pinapakita ni Haze ngayon, e.

Did Bright leave us? Umalis na ba talaga siya at iniwan kami?

"Bright!" tawag ulit ni Haze.

Nagpasya na akong lumabas at nilapitan siya.

"Tama na 'yan, Haze. Baka nasa bahay lang si Bright. Baka nauna na 'yon. Baka pinaprank niya lang tayo." I don't know how to calm Haze. But he didn't listen.

Lumandas ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan.

"H—Haze, tama na, okay?"

Winakli niya ang kamay ko kaya napatigil ako. Napatitig ako sa kanya. Tears then started rolling down. Lumingon siya sa akin kaya mabilis na pinunasan ko iyon.

"Kelangan nating bumalik sa sementeryo, sa puntod niya, Clar. W—We need to find him..." naghihesteriya na siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango.

Pumasok na siya sa loob kaya pumasok na rin ako. Mabilis ang mga galaw niya. He didn't even bother to wipe his tears. Mabilis na minaniobra niya ang sasakyan hanggang nasa daan na kami pabalik sa sementeryo.

Tahimik lang ako sa buong biyahe pabalik. Sobrang bigat din ng loob ko. Hindi ko alam. Pero nasasaktan ako. Nasaktan ako sa inasal ni Haze. Bakit? Bakit siya ganoon?

Nang lingunin kong muli si Haze, lumandas naman ulit ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

Mas kumirot pa ang dibdib ko.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now